PCUP CARAVAN UMARANGKADA SA MALABON, LIBONG RESIDENTE NAKINABANG

EARLY WARNING

Sa layuning mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga taga-Malabon, umarangkada na ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) caravan sa Malabon kasama ang Kakampi sa Pagbabago team na sina Congressman Ricky Sandoval at Vice Mayor Jeannie Sandoval, na parehong inendorso mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kandidatura ng una bilang reelectionist at pagkaalkalde ng huli.

Mahigit 2,000 na residente ang nakatanggap ng libreng medikal at dental misyon, libreng pamamahagi ng gamot, libreng legal assistance, lokal at internasyonal na trabaho at oportunidad, tulong sa pagpaparehistro ng negosyo, pagpaparehistro ng motor at driver’s license, at marami pang iba sa tulong ng mga ahensya tulad ng DoH, PCSO, Pagcor, PAO, LTO, DOLE, TESDA, DSWD, DTI at PSA.

“Pinagsama-samang Serbisyo Para sa Tao, iyan ang misyon na patuloy na tutugunan nitong one-stop shop na serbisyo mula sa pamahalaan. Dahil dito, mas maiintindihan ng mga taga-Malabon ang mga programa ng PCUP gayundin ang serbisyong hatid ng iba’t ibang ahensya. Magandang oportunidad ito upang mas mailapit sa tao ang mga serbisyong pangkalusugan, kabuhayan, edukasyon, at marami pang iba,” wika ni Mayor Jeannie.

“Itong caravan na ito ay magbibigay tugon sa pangangailangang medikal, legal, edukasyon, kabuhayan ng mga maralita nating kababayan. Nagpasalamat ako kay PCUP Chair Alvin Feliciano gayundin sa ibang ahensya ng pamahalaan sa oportunidad na kanilang ibi­nibigay sa mga taga-Malabon,” dagdag ni Congressman Ricky.

oOo

Lagda ni Marcos sa pardon ni Crisologo, peke – NBI handwriting expert

Bilang suporta sa petisyong diskuwalipikasyon na inihain laban sa Quezon City mayoral candidate na si Bingbong Crisologo sa Commission on Elections, isang dating chief document examiner ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nagsabi na peke ang lagda ni dating President Ferdinand Marcos sa kopya ng Absolute Pardon nito.

Ayon kay Atty. Desiderio Pagui, isang handwriting at document expert, may mga pagkakaiba sa lagda sa kopya ni Crisologo ng umano’y Absolute Pardon niya at sa lagda ni Marcos sa ibang opisyal na dokumento.

“Furthermore, only Criso­logo has a copy of said pardon. Documents retrieved from the Malacañang Records Office show that only a Conditional Pardon dated January 14, 1981 was issued,” sabi ni Atty. Socorro Nepomuceno, na nagtatayong legal counsel sa petisyon.

Kung walang lehitimong absolute pardon ito, hindi totoong tinanggal ang kanyang sentensyang double life imprisonment para sa kaso ng arson at homicide. Dahil dito, ipinagbabawal pa rin siya dapat na tumakbo sa anumang posisyon at kailangang idis­kwalipika sa pagtakbo bilang Mayor sa Quezon City, ayon kay Nepomuceno.

Noong 1970, ikinulong si Crisologo alinsunod sa sentensyang double life impri­sonment bunsod ng kasong arson at kasong arson with homicide dahil sa kanyang pagsunog ng dalawang barangay sa Bantay, Ilocos Sur.

Maliban sa sertipikasyon mula sa Malacañang na wala silang kopya ng nasabing Absolute Pardon, nagpadala rin ng sulat ang Board of Pardons and Parole na naglilinaw na wala silang ibang dokumento ukol sa pagpapatawad kay Crisologo liban sa isang index card na nagsasabing Conditional Pardon lang din ang ibinigay sa kanya. (Early Warning / ARLIE O. CALALO)

73

Related posts

Leave a Comment