‘BIKOY’ MAY KASABWAT; KREDIBILIDAD WASAK — PANELO

panelo15

(NI BETH JULIAN)

NANINIWALA ang Malacanang na may kasabwat si Peter Joemel Advincula para sirain ang pamilya Duterte.

Ito ang reaksyon ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, matapos lumutang sa Intergrated Bar of the Philippines (IBP) si Advincula na nagpakilalang si alyas Bikoy.

Gayunman, sinabi ni Panelo na  tila hindi namamalayan ng IBP na nagagamit sila ng  isang manloloko sa katauhan ni Advincula.

Giit pa ng opisyal, sumingaw ang baho ni Advincula matapos mabatid na marami itong criminial records tulad ng large scale estafa, illegal recruitment at pagnanakaw.

Ito ay patunay lamang na kuwestyunable ang kredibilidad ni Advncula.

94

Related posts

Leave a Comment