PHL DAPAT MAHINAHON SA ISYU NG PAGBOMBA NG TUBIG NG CHINA SA ATING BARKO

RAPIDO ni PATRICK TULFO

HINDI ako sang-ayon sa ginagawang pambu-bully sa ating bansa ng China. Ito nga ay matapos na bombahin ng tubig ng Chinese Coast Guard ang tatlong (3) barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic

Resources (BFAR) habang nagsasagawa ng resupply mission patungo sa Ayungin Shoal.

Marahil, hinihintay lang China na pumalag ang Pilipinas sa mga ginagawa nito upang makapagdeklara sila ng giyera sa ating bansa.

Alam naman natin na hindi natin kayang makipagsabayan sa China. Sa mga barko palang nila na naglalakihan at sa makabago nilang mga kagamitan ay siguradong matatalo tayo.

Kailangan lamang ng ating mga pinuno na mag-isip ng paraan upang mapigilan ang ginagawang panggigipit sa atin ng China sa pagkubkob sa ating mga teritoryo.

Hindi natin kailangang maging marahas sa pakikipaglaban sa China, dahil marami ang maaapektuhan sakaling sumiklab ang labanan sa pagitan ng ating bansa at ng China.

oOo

Ako po ay gumawa na ng sulat sa Department of Foreign Affairs upang humingi ng tulong upang mapakansela ang pasaporte ni Maribel Galindez para tuluyan na itong mapauwi sa bansa.

Sa dami ng perwisyong ginawa ng taong ito, naubos na po ang natitira kong respeto sa taong ito na siyang sumisira, hindi lamang sa pangalan ng aking ama, kundi maging sa aming buong pamilyang Tulfo.

Hindi ko po masisi ang mga nagrereklamo laban sa Ramon T. Tulfo Cargo na part-owner ang aking ama, matapos kunin ni Galindez ang kanilang mga bagahe pero hindi na binayaran ang mga dapat

bayaran dito sa bansa upang mai-deliver ang balikbayan boxes. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na wala nang pera ang aking ama para bayaran ang mga utang na iniwan ni Galindez.

Sinusubukan na lamang namin itong gawan ng paraan para mai-deliver na ang mga kahon. Bahala na ang Panginoong Diyos na magkumpas ng kamay ng kaparusahan dito kay Galindez, sa tindi ng pinsalang ibinigay niya sa aking ama.

203

Related posts

Leave a Comment