PILIPINAS MAGIGING LALAWIGAN NG CHINA?

OKAY O OKRAY

MATAGAL nang panahon na dumating sa Pilipinas ang mga Tsino na masasabing ­halos kasabay nang pagda­ting ng mga Kastila sa bansa sa pangunguna ng Portuguese na si Ferdinand Magellan.

Layon ng pangkat ni ­Magellan na sakupin ang bansa kaya’t ipinangalan ito sa hari ng Espanya na si King Philip kaya’t ito ay tinawag na ­Filipinas. ­Gayundin ang dayuhan Tsino na pinamumunuan ng piratang si Limahong na sinakop ang hilagang bahagi ng bansa ­subalit hindi nagtagumpay nang ­tangkaing sakupin ang Maynila.

Dahil mas malakas ang puwersa ng mga Kastila, nanaig ang mga ito sa pananakop habang ang kasama+han sa mga Tsino na nasa Pilipinas ay nagnegosyo na lang hanggang ang ilan sa kanila ay nanirahan na rito at bumuo ng kani-kanilang pamilya.

Maraming lugar na sa bansa ang may mga negosyanteng Tsino at ang karamihan sa kanila ay tinatawag ng Tsinoy dahil sa pagkakaroon ng lahing Pilipino o Pinoy. Noon, karamihan sa mga Tsino at Tsinoy ay naninirahan sa bahagi ng Binondo dahil ito ang commercial place sa Maynila.

Noon pa man, may mga eskuwelahan na para sa mga Chinese kung saan napakamahal ng tuition fee rito kaya’t karamihan ng mga nakakapag-aral ay pawang anak ng Chinese businessmen.

Ang mga naging kaganapan noon ay nakabuti naman dahil in control pa rin ang mga Pilipino sa mga pangyayari. Sa madaling salita, okay.

Maraming mga Pilipino ang naging kaibigan ng mga Pilipino. Nagkaroon ng mga ­pagtutulungan sa parte ng Pinoy at Tsinoy. Masasabing isa pang okay.

Ngayon, maging ang mga Tsinoy ay nagugulat na sa dami ng mga dayuhang mula sa Mainland China na kahit saang bahagi ng Metro Manila, Cebu, Pampanga, Zambales, Isabela, Cagayan, Davao at Iloilo ay ma­raming Chinese na makakasalamuha. O, eh di masasabi na ito ay okray.

Ang masakit, kapag nakakasabay mo sa mga restaurant, convenience store, department store, leisure places at kung saan-saan pa ay talagang ­pagkaiingay na akala mo ay kanila ang lugar. May pagkakataong sinusubukan ng mga ito ang pasensiya ng mga Pinoy dahil may pagkakataong sa mga pila ay basta na lang sumi­singit ang mga ito. O panibagong okray, di ba?

May mga pagkakataon din na  sa mga tirahan nilang condominium o hotel ay sinasaktan nila ang mga Pinoy na security guards na sumasaway sa kanila kapag nag-iingay sila. Grabeng pagka-okray ito.

Kung tratuhin nila ang mga Filipino, akala mo ay mga ­utusan o alila nila. Lalo na sa mga ­tindahan sa Divisoria. Ang mga tindera at helper ng mga ito ay sinusuwelduhan lang ng P5,000 o kaya naman ay P250 bawat araw. Sobrang pango-okray ito.

Ngayon, ilang malalaking korporasyon ang pag-aari ng mismong gobyerno ng China. Ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay kalat na sa Pilipinas na pawang pag-aari ng Chinese at maging ang mga empleyado ay Chinese kaya nagkalat na rin ang mga ito sa bansa. Oray na okray talaga.

Kung ang National Grid Corporation of the Philippines ay pag-aari na halos ng China, ang Kaliwa Dam ay sila pa rin ang magpapatakbo, ang POGO at ilan pang negosyo ay kanila na rin, hindi kaya dumating ang panahon na mas marami pa sila kaysa sa lahing Pinoy? Hay, okray talaga. Grabe na kapag naging lalawigan na lang ng China ang Pilipinas. Kung ikaw ay isang Pinoy, para sa iyo, okay ba o okray na maging lalawigan ng China ang ating bansa? Naku, President Rodrigo Duterte pwede po bang pag-isipan munang mabuti ang mga nangyayari? Huwag sana magpadala sa mga negosyanteng Tsino na silang bumubulong este ngumangatngat sa tenga mo. (OKAY O OKRAY / Lea G. Botones)

240

Related posts

Leave a Comment