PINOY POSITIBONG AASENSO NGAYONG 2024

PUNA ni JOEL O. AMONGO

UMAASA ang mga Pinoy na makababawi sila ngayong taon 2024.

Marami kasi sa ating mga kababayan ang nagsabi na naging mabigat o mailap sa kanila ang swerte nitong nagdaan taon (2023).

Batay sa Chinese Horoscope, ang 2024 ay Year of the Wood Dragon.

Kaya swerte sa taong ito ang ipinanganak sa Year of the Dragon.

Sa ganang akin, ang kapalaran nating mga tao ay hindi natin dapat iasa sa swerte lamang.

Kung gusto nating dumating sa atin ang swerte ay kumilos tayo, huwag tayong tatamad-tamad.

Kahit pa tayo ay ipinanganak sa Year of the Dragon, kung hindi tayo magtatrabaho ay magiging mailap pa rin sa atin ang suwerte.

Year of the Dragon man tayo ipinanganak o hindi, kung masipag tayo sa trabaho, siguradong aasenso tayo.

Ika nga, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Maging ang Panginoon ay nagsasabing kailangan nating maging masipag para tayo ay may kainin.

Kaya ‘yung mga tatamad-tamad ay hindi kaaawaan ng Panginoon.

Maaaring kaya naging mabigat sa atin ang nakaraang taon (2023) ay dahil binawasan natin ang ating kasipagan.

Sa taong masipag, hindi kailangan ang Chinese Horoscope, aakyat at aakyat sa kanila ang suwerte.

Kaya kung gusto nating suwertehin ngayong 2024, doblehin natin ang ating sipag para siguradong aasenso tayo.

Hindi rin nating puwede iasa sa ibang tao o sa gobyerno man, ang ating swerte, kailangan magkaroon tayo ng sariling sikap.

Disiplina ang kailangan natin para tayo umasenso, huwag natin isisi sa iba ang ating kahirapan dahil tayo ang dapat kumilos para sa ating mga sarili.

oOo

Para sa sumbong at suhestiyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

165

Related posts

Leave a Comment