NAKATANGGAP ng isang brand new ambulance at 46 wheelchairs ang Ormoc City mula sa Providing Indigent Timely Medical Assistance Service and Targeted Emergency Relief (PITMASTER) Foundation.
Mismong si foundation Executive Director Caroline Cruz ang nag-turnover ng donasyon sa LGU-Ormoc sa pangunguna nina Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez ng Leyte 4th District.
Kung hindi rin daw dahil sa mga local officials tulad nina Gomez at Lucy, aba’y hindi rin ito maisasakatuparan.
“Madasigon ug malipayon kaayo ta ron buntaga kay daghan kaayo ta og grasyang nadawat especially that the blessings we receive today are geared towards medical care which is always needed,” wika ni Rep. Lucy.
Maging si Mayor Gomez ay labis din ang pasasalamat sa natanggap nilang donasyon mula sa Pitmaster.
“Mapasalamaton kita nga daghan wheelchair nahatag ug ambulance. We would like to thank Pitmaster Foundation and all their people, daghang salamat!” sabi naman ni Gomez.
Aba’y dumalo rin sa aktibidad si SP Member Atty. Nolito Quilang na ka-klase raw pala sa law ni Atty. Cruz sa University of Sto. Tomas, kasama sina SPM Vince Rama, Committee Chairman on Social Welfare, Senior Citizens and Persons with Disability; SPM Roiland Villasencio; Dra. Sarah Hermoso ng City Health Department (CHD); City Administrator Vincent Emnas; Maribel Gucela ng City Social and Welfare Department (CSWD); Office of the Senior Citizens’ Affairs (OSCA) Head, Corazon Agraviador, Manuel Comagdang (Federation President) ng Federation of Senior Citizens Association of Ormoc (FSCAO), at Niña Bonita Restauro ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO).
Siyempre, um-attend din sa event ang mga family members/representatives ng mga wheelchair recipients.
Ang Pitmaster Foundation sa ilalim ng liderato ni Chairman Charlie “Atong” Ang ay isa sa mga pinakamahuhusay na private sector sources ng medical at financial help ng mga nangangailangan.
Ang grupo ay isang non-profit organization na may malakas na ugnayan sa mga komunidad at institutional partners.
Kaya dapat natin silang saluduhan at pasalamatan.
Sabi nga, wala nang ibang nakagagawa nito kundi ang Pitmaster lamang.
Kahit may pandemya, tuloy-tuloy ang tulong na ibinibigay nila sa mga mahihirap at nangangailangan.
Maraming salamat din pala sa aktres at philanthropist na si Gretchen Barreto na humikayat sa foundation na i-konsidera ang Ormoc at ang mga mamamayan doon bilang recipients ng kanilang mga donasyon.
Mabuhay po kayo at God bless!
