PITMASTER FOUNDATION NAG-DONATE NG AMBULANSYA SA GINGOOG CITY

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

KAHIT suspendido ang e-sabong at kulang sa resources, tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang pagtulong ng Pitmaster Foundation, Inc. sa ating mga kababayan at sa ilang local government units (LGUs).

Ang pinakahuling nabiyayaan ng ambulansya mula sa Pitmaster ay ang Gingoog City sa Misamis Oriental.

Mismong si City Mayor Erick Cañosa ang tumanggap ng donasyon kamakailan.

Ang Gingoog ang kauna-unahang lungsod sa Hilagang Mindanao na nakatanggap ng ambulansya mula sa kanila.

“Gingoog City is the first city in Northern Mindanao to receive an ambulance from our Foundation,” ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Atty. Caroline Cruz.

Bahagi pa rin aniya ito ng social responsibilities nila para suportahan ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang health programs.

“This donation is part of our social responsibilities and health ­programs to support LGUs with their medical and social programs,” wika ni Atty. Cruz.

Noong kasagsagan ng pandemya, nasa 81 provincial hospitals sa bansa ang nakatanggap ng ambulansya mula sa Pitmaster. ­Unang naipamahagi ang apat sa ilang lalawigan at kasunod ang iba pa hanggang sa naipamigay lahat ng 81 units.

Kasama sa mga nabigyan ng donasyong ambulansya ay ang Culion Sanitarium sa Culion, Palawan; Batangas Provincial Hospital, Batangas City; Bicol Regional Training and Teaching Hospital, Legaspi, Albay; at Eastern Samar Provincial Hospital sa Borongan, Eastern Samar.

Nabiyayaan din ng mga ambulansya mula sa Pitmaster Foundation ang Southern Leyte Provincial Hospital, Ilocos Norte Provincial Hospital, Gov. Faustino Dy Sr. Memorial Hospital, Marinduque Provincial Hospital at marami pang iba.

Ito marahil ang isa sa mga dahilan kaya napili ang foundation bilang finalist sa 2022 Stevie Awards for Most Valuable Non-Profit Response sa COVID-19 Response category.

Bahagi sila ng mahigit 1,500 nominations mula sa 27bansa.

“Pitmaster Foundation is honored to be selected as one of the 2022 Stevie Awards finalists. We are grateful for the recognition from this prestigious institution for all the hard work that this foundation has done in two years,” ayon naman sa statement ng foundation.

“It is and will always remain a result of effective teamwork, passion, empathy, and dedication of the Pitmaster Foundation, led by ­[Chairman] Mr. Charlie “Atong” Ang and Atty. Caroline Cruz who both provided exceptional leadership to improve the circumstances and prospects of disadvantaged people.”

Saludo kami sa inyo, mga bossing.

God bless and more power po!

20

Related posts

Leave a Comment