PITMASTER FOUNDATION NAG-DONATE NG COVID-19 VACCINES SA ILANG LGUs

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

MARAMI ang nanghihinayang sa pagkakatigil ng operasyon ng online o e-sabong sa bansa.

Maliban kasi sa marami itong nabigyan ng trabaho, bumubuhos din ang donasyon mula rito, partikular ang mula sa Lucky 8 Star Quest Inc.

Isa ang Lucky 8 Star sa mga pinakamalaking taxpayers sa bansa.

Aba’y namahagi pa ito ng tinatayang P1 bilyong halaga ng mga donasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang programa noong kasagsagan ng pandemya.

Nakapagbigay ito sa gobyerno ng P2.6 bilyon sa pamamagitan ng buwis (P985 milyon) at P1.64 bilyon naman sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Mantakin ninyo, isa’t kalahating taon pa lamang ang operasyon ng Lucky 8 Star pero ganyan na kalupit ang kanilang accomplishments? Saan ka pa?

Kung wala naman sina Boss Charlie “Atong” Ang at Executive Director Caroline Cruz ay hindi rin ito maisasakatuparan ng corporate social responsibility (CSR) arm nito na Pitmaster Foundation Inc. (Providing Indigents with Timely Medical Assistance Services and Targeted Emergency Relief.).

Ang CSR arm ng Lucky 8 (Pitmaster) ay matatandaang nakapag-donate ng P50 milyong halaga ng antigen kits, P50 ­milyong cash, at P20 milyong halaga ng home care kits sa 17 local government units (LGUs) sa Metro Manila.

Naging katuwang nila sa aktibidad ang Metropolitan Manila Development Authority, Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG), at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Mula nang mag-donate ang Pitmaster ng P100 milyong halaga ng mass testing assistance sa mga bayan at lungsod sa National Capital Region (NCR), nagsimulang bumaba ang COVID-19 cases.

Namahagi rin ng katulad na donasyon ang foundation sa ilang lalawigan na naging dahilan kaya sumadsad din ang mga kaso ng impeksyon doon.

Natatandaan ko pa na nag-donate din ang Pitmaster ng 11,000 doses ng AstraZeneca vaccines sa munisipalidad ng Santa Cruz sa lalawigan ng Laguna.

Walang ibang layunin ang grupo kundi ang magkaroon ng vaccine access ang lahat ng mamamayan.

Nakipagsanib-pwersa ang Pitmaster sa iba pang private sector groups tulad ng JG Summit Holdings Inc. na nag-donate ng 20,000 more doses ng AstraZeneca at Moderna, at iba pang civic organizations gaya ng Rotary International 3780-Quezon City.

Para hindi masira ang mga bakuna, naglaan din ang foundation ng apat na vaccine freezers para sa lalawigan ng Batangas.

Bukod pa nga riyan, nagbigay rin ng subsidiya ang Pitmaster para sa sahod ng mga contractual medical staff ng Provincial Hospital of Isabela upang matiyak ang tuloy-tuloy na medical assistance sa nasabing probinsya.

117

Related posts

Leave a Comment