PLANONG PATIBONG NI LENLEN KAY BBM, SABLAY

DESPERADO na ang kampo ni Lenlen upang ibagsak ang patuloy na pagbulusok ni presidential front runner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ilang araw na lamang na natitira bago ang May 9 elections.

Hinamon ni Robredo si BBM ng isang one on one debate na ang dinahilan ay upang sagutin ang mga isyung ipinupukol dito kahit ang mga ito ay usaping legal sa korte at hindi sa pamamagitan ng pakikipagbangayan sa debate ngunit ang posibleng secret agenda ng mga ito ay ang plano ng dilawan at ng makakaliwang grupo na kanilang ginamit noon kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., na linlangin ang sambayanan na naging matagumpay kung kaya’t nalason ang isipan ng taumbayan at nangyari ang 1986 EDSA Revolution na isang malaking pagkakamali na nangyari sa bansa.

Ang ibinunyag ng isang dating miyembro ng NPA na may kinalaman sa planong ­paghahasik ng masamang propaganda laban kay BBM na planong ipakalat ang ­maling impormasyon kabilang dito ay ang nangyaring pambobomba sa political rally ng Liberal party sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila noong August 21, 1971 na ikinasawi ng 9 at ikinasugat ng 95 katao kabilang si dating Senate president Jovito Salonga na isinisi kay Marcos Sr. na ang totoo ay kagagawan ng NPA upang ­pabagsakin ang gobyerno at ang nakapagtataka ay ­tanging si Ninoy Aquino ang wala sa rally nang mangyari ang insidente.

Mula nang maagaw ni Cory Aquino ang pamahalaan noong 1986 ay maraming pahina ng kasaysayan ng bansa ang itinago upang hindi malaman ng susunod na henerasyon ang tunay na nangyari na ang pagdedeklara ni Marcos Sr. ng Martial Law noong September 23,1972 ay dahil sa pakikipagsabwatan ng dilawan sa komunista sa paghahasik ng kaguluhan sa bansa at lumalawak ang recruitment ng NPA, maging ang pagtatatag ng iba’t ibang armed groups sa Mindanao na patuloy na lumakas dahil sa kapalpakan ng Aquino administration.

Naging usap-usapan ­kamakailan sa social media ang pagiging adviser ni CPP-NPA founder Joma Sison sa kandidatura ni Robredo sa pagkapangulo at ito’y nakakabahala kung sakaling ito’y may katotohanan dahil sa posibleng kapalit nito. Kagaya na lamang ng nangyari pagkatapos ng EDSA revolution; March 5, 1986 isang buwan pa lamang sa kapangyarihan si Cory ay inuna muna ­nitong pinalaya si Joma Sison sa military ­detention sa Fort Bonifacio, na pinakulong ni Marcos Sr. dahil sa rebelyon at sedisyon na may kaparusahang kamatayan ­dahil sa pagtataksil sa bayan.

Matapos na palayain ni Cory si Joma ay lalong lumakas ang puwersa ng rebeldeng grupo maging ang kanilang paghahasik ng kaguluhan at walang naging matagumpay na negosasyon at hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang sagupaan laban sa kawal ng pamahalaan.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang ­SAKSI Ngayon – Patnugot)

83

Related posts

Leave a Comment