PRRD LEGACY SA MGA OFW

Aksyon OFW

MAGANDANG araw mga ka-Saksi at mga kabayani!

Happy Eid’l Fitr sa ating mga kapatid na Muslim sa buong mundo.

Nitong May 2, ipinagdiwang ng mga muslim ang holiday kung saan nagtatapos ang holy fasting ng Ramadan. Base sa Muslim lunar calendar, ang timing ng Eid ay ibinabase sa pagpapakita ng crescent moon.

***

Maraming magagandang legacy na iiwanan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa sambayanang Pilipino, partikular na sa overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya na umaabot na sa humigit kumulang sa 10 milyon.

Isa na sa legacy ni PRRD ang itinatayong OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga na kanyang pinasinayaan nitong Mayo Uno, Labor day at ganap nang nag-operate simula Mayo 2.

Sa nasabing event, sinabi ni Pang. Duterte na nararapat lang na tawaging mga bagong bayani ang lahat ng OFWs sa buong mundo dahil sa kanilang mga sakripisyo at kontribusyon sa ekonomiya ng bansa.

“The unwavering dedication and perseverance as well as their sacrifices to provide for their families make them worthy to be called Modern Day Heroes (Mga Bagong Bayani),” diin ng Pangulo.

Ang nasabing hospital ay itinayo sa tulong ng PAGCOR at ng lokal na pamahalaan ng Pampanga katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Ipinagmalaki ni DOLE Sec. Bebot Bello III na ang OFW Hospital ay magbibigay ng murang medical care at services ang lahat ng mga OFW kabilang na ang mga beteranong OFW at kanilang dependents.

Para higit na maserbisyuhan ang mga OFW, naglagay na ng Malasakit Center at OWWA help desks sa nasabing pagamutan.

Si Dok Chie Umandap, first nominee ng AKO OFW party-­list, ang siyang nanguna sa pagsusulong ng OFW Hospital nang siya pa ay naninilbihan bilang Board of Trustee ng OWWA.

Bukod sa OFW Hospital, nilagdaan na rin ni Pang. Duterte noong December 30, 2021 ang batas na nagtatatag sa Department of Migrant Workers (DMW) na siyang naka-focus sa mga suliranin at mga programa para sa Pinoy overseas.

Good News!

Inilunsad ng Phil. Consulate General sa Jeddah, Saudi Arabia ang mobile overseas voting para makaboto ang mga OFW na nagtatrabaho sa Asir region.

Natutuwa ang mga OFW sa nasabing rehiyon dahil sinadya pa sila ng mga tauhan ng konsulado para makalahok sa overseas voting na nag-umpisa nitong April 10 at nakatakdang magtapos sa Mayo 9.

Sa data ng COMELEC, umaabot sa 74,603 registered ­voters ang nasa Western region ng Saudi Arabia.

Ayon kay Consul General Edgar Auxilian, marami pa ring hindi nakapunta sa mobile overseas voting dahil hindi ­makaalis sa trabaho at ang iba naman ay sa malalayong lugar naghahanapbuhay.

Hinihikayat ni Auxilian ang mga Pinoy worker na magsadya sa Phil. Consulate sa Jeddah habang may panahon pa silang makaboto sa national elections.

Para sa inyong mga sumbong, reaksyon, opinyon at suhestiyon, mag-send lang ng mensahe sa dzrh21@gmail.com.

125

Related posts

Leave a Comment