PRRD PIPILI NG BAGONG MAHISTRADO NG KORTE SUPREMA

NAGSUMITE ang makapangyarihang Judicial and Bar Council (JBC) sa Malakanyang ng listahan o mga pangalan ng mga napiling maaring ipuno sa nabakanteng posisyon sa Korte Suprema dahil na rin sa pagreretiro ni Associate Justice Andres Reyes Jr. makaraang abutin nito ang mandatory retirement na 70 years old.

Sa ipinadalang listahan ng JBC sa Malacañang, nabatid ng inyong ka-SAKSI na nangunguna sa listahan ang isang Minority Muslim Justice na si Court of Appeals (CA) Associate Justice Japar Dimaampao, na sinundan nina CA Associate Justice Priscilla Baltazar-Padilla, Joseph Lopez, CA Associate Justice Ramon Cruz, Supreme Court (SC) administrator Jose Midas Marquez, CA Associate Justice Antonio Barrios at CA Associate Justice Ricardo del Rosario.

Kung integridad at kahusayan o katalinuhan lang naman ang pag-uusapan, upang maging miyembro bilang mahistrado ng KS, masasabi kong lahat sila ay karapat-dapat na sa madaling salita ay “walang itutulak, lahat ay kakabigin”.

Subalit sa pitong nasa listahan ng isinumite ng JBC, isa lang sa kanila ang maaaring mapili ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung sakaling palarin ang nag-iisang muslim justice mula sa CA na si Associate Justice Dimaampao, maituturing na malaki ang maiaambag nito sa Kataastaasang Hukuman hindi lamang sa larangan ng taxation bilang author, kasama rin dito ang civil law at iba pa at lalong lalo na sa Shari’a Law dahil sa pagiging bihasa nito sa nasabing batas at naging chairman din ng Shari’a Bar nitong kasalukuyang taon.

Maituturing ding isang historical appointment kung sakaling mapili ni Presidente Duterte si Dimaampao dahil halos tatlongpu’t tatlong taon (33) na ang nakakalipas nang magkaroon ng representante ang mga Muslim sa Korte Suprema sa katauhan ni Supreme Court Associate Justice Abdulwahid A. Bidin.

Sakaling si Associate Justice Padilla naman ang mapili ng pangulo, maituturing din na mahusay ang pagkakapili rito dahil mayroong legal background na hindi matatawaran.

Si Court Administrator Marquez naman ay dekada na ang paglilingkod sa Hudikatura at mula nang maglingkod ito ay itinuring ng mga nasa pamamahayag o mass media na “Darling of the Press” dahil sa kahusa yan nito noon sa pamumuno ng public information office ng SC bukod pa sa ma galing na tagapamahala ng korte.

Para sa inyong ka-SAKSI, kasama rin sa ‘di matawarang kagalingan sa larangang legal justice system sina Justices Lopez, Cruz, Barrios at CA Asso ciate Justice Rosario.

Good luck sa inyong lahat.

89

Related posts

Leave a Comment