Nakakabilib ang Pulse Asia, paano ba naman, idineklara na nila ang mga panalong party-list group. Labing-apat na grupo ang may tig-iisa nang seat sa Kongreso, para sa nasabing survey firm.
Nasa 134 ang mga party-list groups na nagla¬laban-laban ngayong dara¬ting na eleksyon para sa 59 na upuan sa Mababang Kapulungan.
Sa ranking na ginawa ng Pulse Asia, maraming mga kilalang party-list ang nasa laylayan. Samantala, naglagay ito ng mga makakaliwang mga party-list na karaniwan na naman talagang nananalo sa bawat halalan.
Kung susundin ang opinyon ng Pulse Asia, 45 na upuan na lamang ang pinaglalabanan.
Sa ganang akin lamang e halatang-halata naman na crowd conditioning ito, kung ano ang nasa likod na mabigat na dahilan e hindi natin alam kundi makakapag-espekula ka lamang talaga.
Maging ang mga top TV ads buyer na mga party-list ay nasa laylayan din ng kanilang listahan.
Maaalalang pumalpak na rin ang Pulse Asia nang makailang beses na sa kanilang mga pa-trending na resulta. Halimbawa na lamang noong 2015 hanggang 2016 survey nito sa pagka-pangulo kung saan kulelat si Davao Mayor Rodrigo Roa Duterte.
Of course, alam na naman natin ang naging konklusyon ng 2016 elections at kitang-kita ang kapalpakan ng Pulse Asia.
Ang Pulse Asia ay llamadista. Kung sino ang llamado siya ang lalabas na mga nangunguna sa kanilang survey. Ganyan kasimple, pwedeng tingnan ang pinaggagagawa nito.
Kapagka ganyan e kahit sinong barbero pwede nang maglimbag ng kanyang sariling survey. Baka mas magaling pa! (For the Flag / ED CORDEVILLA)
254