CHUZON SUPERMARKET: WALA NANG SENYALES NG BUHAY 

porac123

(NI JESSE KABEL)

IDINEKLARA nitong Sabado ng Office of Civil Defense (OCD) na clear na ang gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga matapos na wala na talagang palatandaan na may na-trap pa sa ilalim ng mga guho ng nasabing pamilihan.

Ayon sa Pampanga PNP,  ginawa ng Office of Civil Defense ang deklarasyon sa gitna ng mga ulat na may lima katao pa ang nawawala.

Ayon sa kapulisan sa nasabing lalawigan, sa ibang lugar na lamang nila hahanapin ang mga iniulat na missing.

“Na-declare na po ng mga OCD na cleared na po ang area ,” pahayag sa media ni  Police Col. Jean Fajardo, Pampanga Police Provincial Director.

Ang  4-storey supermarket ay gumuho nitong Lunes kasunod ng 6.1-magnitude earthquake na tumama sa Luzon, yumanig sa Zambales at Pampanga at mga kalapit lalawigan, kabilang ang Metro Manila.

Umabot sa 18 ang bilang ng nasawi at lima sa mga ito ay nakuha sa gumuhong Chuzon Supermartket.

143

Related posts

Leave a Comment