ROBREDO PINAKAMALAKING GINASTOS SA FB AD

NANGUNGUNA sa presidential aspirants na pinakamalaking ginastos sa Facebook advertisement si Vice President Leni Robredo.

Sa nakuhang detalye ng PUNA, simula noong Agosto 4, 2020 hanggang Setyembre 30, 2021 bago pa ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) ng mga kandidato, ay nakapagtala na ng P1.95 milyong FB ad si Robredo.

Simula naman Oktubre 1 hanggang Disyembre 31, 2021 ay nakapagtala rin siya ng FB ad na P12.14 milyon kasama nito ang “Team Leni Robredo” at “Dapat si Leni” pages.

Pumangalawa si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na simula noong Agosto 4, 2020 hanggang Setyembre 30, 2021 ay may ginastos sa FB ad na P5.14 milyon.

Oktubre 1 hanggang Disyembre 31, 2021 ay may ginastos din si Lacson sa FB ad na P222K.

Pangatlo naman si Manny Pacquiao na simula noong Agosto 4, 2020 hanggang Setyembre 30, 2021 ay nakagastos ng P111K.

Lumaki naman ang ginastos ni Pacquiao sa kanyang FB ad pagdating ng Oktubre 1 hanggang Disyembre 31, 2021 na may halagang P236K.

Sa Republic Act No. 9006, Resolution No. 10730, Section 5/A; ang kandidatong presidente, pangalawang presidente ay pinapayagan lamang gumastos ng 10 piso sa bawat rehistradong botante.

Sa Section B, karagdagang 3 piso para sa mga kandidatong may political party para sa bawat botante na kasalukuyang nakarehistro, at 5 piso naman para sa walang political party o suporta mula sa anumang partido.

Ipinagbabawal naman sa Section 4, ang pakikialam ng dayuhan sa eleksyon ng bansa.

Ang sinumang kandidato na lumabag nito ay may kaakibat na kaparusahan na nakalaan sa kanila.

Ganunpaman bagama’t nakapagtala ng pinakamataas na ginatos sa FB ad si Robredo sa mga nabanggit na panahon ay hindi pa rin ito naging sapat para makahabol siya sa mataas na survey ni dating Senador Bongbong Marcos (BBM).

Sa survey na inilabas kamakailan ng private polling firm na Actual and Comprehensive Evaluators na isinagawa sa Caloocan City noong Enero 6 hanggang 10, 2022 ay nakapagtala ng 71% si BBM.

Samantala, nakakuha lamang sina Robredo at Moreno ng tig-10%, Lacson na 5% at Pacquiao na 5%. Nagpapatu­nay lamang na kahit na gumastos pa ng milyun-milyong piso at gumawa ng mga estratehiyang paninira laban kay BBM ang kanyang mga katunggali ay balewala pa rin sa taas ng pagtanggap sa kanya ng taumbayan.

Wala nang makahahadlang pa kay BBM sa nakatakda niyang pag-akyat sa Palasyo ng Malakanyang pagkatapos ng May 9, 2022 national at local elections.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.

Related posts

Leave a Comment