SEN. BONG GO PERSONAL NA INAYUDAHAN ANG MAHIHIRAP SA TANAY, RIZAL

TARGET NI KA REX CAYANONG

TULOY-TULOY ang ginagawang pagtulong sa mga mahihirap ni Sen. Christopher “Bong” Go.

Katunayan, dinala na ni Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, ang kanyang health initiatives para sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng isang relief operation sa Tanay, Rizal.

Sa kanyang pagdalaw doon, si Go na adopted son ng CALABARZON, ay sinamahan nina Governor Nina Ynares, Vice Governor Junrey San Juan, Board Members Boboy Bernados at Hector Robles, Mayor Lito Tanjuatco, at Vice Mayor Rex Tanjuatco.

“Nagpapasalamat po ako kay Senator Bong dahil hindi niya tayo nakakalimutan dito sa lalawigan ng Rizal. Kwento ko lang sa inyo, hindi pa natin hinihingi, binibigay na niya. (Dahil) ganyan niya ka-mahal ang Rizal. Kaya ang turing namin sa kanya ay isang honorary Rizaleño… Kaya maraming salamat, Senator, sa pagmamahal na binibigay niyo sa Rizal,” ani Gov. Ynares.

“Mga minamahal kong kababayan, talagang hindi tayo iniiwanan ng taong ito. Noong pandemya, siya ang unang nagpadala ng tulong sa ating mga market vendor. Ngayon, sa request muli, may biyaya uling ibinigay sa atin,” sabi naman ni Tanjuatco.

Namahagi si Go at ang kanyang team ng essential grocery packs, snacks, masks, at vitamins sa 1,500 indigent residents na nagtungo sa municipal gymnasium.

May mga nabiyayaan din ng cellular phones, shoes, shirts, bicycles, relo, bola ng basketball at volleyball.

Sinabi ni Go na: “Adopted son po ako ng CALABARZON kaya po itinuturing kong kapatid kayo rito. Huwag n’yo po akong ituring na ibang tao. Para tayong magkakapatid.”

Maging ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay namahagi rin ng financial aid.

Ibinida ni Go ang kanyang vision para sa mas accessible at comprehensive healthcare system, sa pamamagitan ng Malasakit Centers, Super Health Centers (SHCs), at Regional Specialty Centers.

“Batas naman po ito, isinulong natin noong 2019 bilang senador. Ngayon po, mayroon na tayong 158 na Malasakit Center sa buong Pilipinas, mula Batanes hanggang Tawi-tawi, lahat ng rehiyon kasama na ang BARMM ay mayroon pong Malasakit Centers,” wika pa ng masipag na senador.

Aniya, sa datos ng Department of Health (DOH), mahigit 7 million patients na ang natulungan ng Malasakit Centers na aniya’y para sa Pilipino, lalo na po sa mga mahihirap at indigent patients.

Sa Rizal, ang Malasakit Centers ay matatagpuan sa Antipolo City Hospital System Annex IV, Margarito A. Duavit Memorial Hospital sa Binangonan, Bagong Cainta Municipal Hospital sa Cainta, at Casimiro A. Ynares Sr. Memorial Hospital sa Rodriguez.

Dahil dito, hindi na mahihirapang pumila at magpalipat-lipat pa ng iba’t ibang mga opisina ang mga taga-Rizal para lang humingi ng tulong pampagamot.

Mabuhay po kayo, Sen. Bong Go, at God bless!

63

Related posts

Leave a Comment