SENATE BILL 2432 NI SEN. JV AT CIRCULAR NI SEC. ABALOS

DI KO GETS

HINDI pa tapos ang laban ng pamahalaan kontra hoarding at smuggling. Tuloy-tuloy ang pagtugis sa kanila.

May mga iniimbestigahan at may mga ginagawa na ring hakbang para sa mga apektadong sektor.

Sa kabilang banda, umaasa naman si Sen. JV Ejercito na ipaprayoridad ng ipinapanukalang ‘Anti-agricultural Economic Sabotage Council’ ang mga tukoy nang smuggler at hoarder ng agricultural products sa bansa.

Iminamandato ng Anti-agricultural Economic Sabotage Act (Senate Bill 2432) na bumuo ng konsehong tututok dito.

Target dito ang mga sangkot sa pagpupuslit ng mga produktong pang-agrikultura kung saan isinusulong ang pagsama sa hoarding, cartel, at profiteering sa mga itinuturing na economic sabotage.

Naniniwala ako na makalulusot ang panukalang ito.

Aba, ang masasabi ko lang ay good job, Sen. JV, sir.

Samantala, sinasabing balak daw pala ng Caloocan City government na bigyan ng libreng renta sa stalls ang micro rice retailers na apektado ng price ceiling sa bigas.

Labis itong ikinatuwa ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin “Benhur” Abalos Jr.

Sabi ni Abalos, bukod sa Caloocan, nauna nang nagpahayag ng tulong ang ilang LGUs para sa rice retailers tulad ng Mandaluyong local government.

Kung matatandaan kasi, naglabas ng circular ang DILG na humihikayat sa mga lokal na pamahalaan na gumawa ng mga hakbang para sa rice retailers na maaapektuhan ng Executive Order No.39 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Abalos, nakabibilib ang pagtutulungan ng national at local governments.

Kitang-kita nga naman na lahat ay gumagalaw para sa kapakanan ng mamamayan.

Kung maaalala, umarangkada na rin ang pamamahagi ng P15,000 cash aid para sa mga benepisyaryo nitong Sabado ng umaga, Setyembre 9, sa ilang lungsod sa Metro Manila.

Magpapatuloy ang distribusyon na ito ng Sustainable Livelihood Program-Cash Assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) hanggang sa maabot nito ang lahat ng apektadong rice retailers.

101

Related posts

Leave a Comment