SENATOR KUYA BONG GO HINIRANG BILANG ‘MOST EXEMPLARY PHILANTHROPIC LEADER OF THE NATION’

TARGET NI KA REX CAYANONG

HINIRANG bilang “Most Exemplary Philanthropic Leader of the Nation” si Senator Bong Go sa kauna-unahang Gawad Agila Awards ng Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Okada Elite Eagles Club.

Sa kanyang video message, taos-pusong nagpasalamat si Go sa award-giving body.

Dito’y binigyang diin na ang kanyang natanggap na parangal ay nagpapakita ng kanyang bahagi sa pagtugon sa pagresolba sa iba’t ibang isyu sa bansa.

Ang award ni Go ay tinanggap ni Philip Salvador nitong Abril 29 sa Okada Manila.

Kung hindi ako nagkakamali, ang Gawad Agila ay pinangunahan ni Okada Elite Eagles Club President Jenzen “ZenTur” Turica.

Bukod kay Go, kabilang din sa mga pinarangalan sina Sen. Imee Marcos bilang “Most Powerful Influential In Public Service and Good Governance” at Senator Cynthia Villar “bilang Most Influential Women of the Year.”

Aba’y bukod dito, ginawaran din ng “Lifetime Achievement Award in Public Service” si Deputy Speaker at Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo habang “Most Outstanding Men In Public Service and Good Governance” naman si Department of Education Undersecretary Epimaco Densing III.

“Most Powerful and Influential Man of the Year” naman si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy habang “Remarkable Woman of Inspiration and Outstanding Business Women of the Year” ang aktres at businesswoman na si Mariel Rodriguez-Padilla.

Si Salvador naman ay ginawaran ng “Most Excellent Celebrity in Humanitarian Service” habang si Sunshine Dulay ay “Woman of Inspiration and Outstanding Woman in Humanitarian Service.”

Bukod nga rito, maging si ASEAN gold medalist at sports anchor na si Paolo Miguel Angeles ay hinirang bilang “Most Outstanding Sports Mentor of the Year.”

Ang Eagles ay isang malaking socio-civic organization na tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga mamamayang Pilipino.

Ang Gawad Agila, ayon kay Turica, ay idinaos upang kilalanin ang mga Kuya at Ate na natatangi sa kanilang hanay, pamayanan, negosyo, at pagbibigay-inspirasyon sa mga Pinoy.

Magpapatuloy aniya ito upang maging inspirasyon sa mas marami pang kasapi para mas dumami pa ang mabuting tao na magnanais tumulong sa kanilang kapwa.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

103

Related posts

Leave a Comment