SERBISYONG TATAK ROXAS AT ATAYDE!

KILALA sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Tarlac sina Mayor Max Roxas at Vice Mayor Bien Roxas ng Paniqui.

Walang humpay kasi ang ginagawa nilang pagtulong sa kanilang sa mga nasasakupan.

Halos isang taon na sila sa kanilang pwesto kaya tambak na ang mga proyekto at programa nila.

“Sa mga batang atleta ng Aduas Elementary School na nagwagi ng Silver Medal sa Tarlac Province Football Elementary sa nagdaang CLRAA MEET 2023, bilang tugon sa inyong kahilingan ay parating na ang mga sapatos na inorder ng ating butihing Mayor Max at Vice-Mayor Bien,” ayon sa tanggapan ng alkalde.

At ayon naman kay Mayor Max, agad na nai-post ang abiso sa Facebook page ng munisipalidad ng Paniqui hinggil dito.

Ipinatawag naman ang mahuhusay na mga manlalaro ng Aduas Elementary School kaya’t nakuha na nila ang kanilang regalo mula kina Mayor Max at Vice Mayor Bien.

“Ngayong araw, Mayo 22, ay tinanggap na ng mga batang atleta… ang handog na bagong sapatos ni Mayor Max at Vice Mayor Bien bilang pagkilala sa kanilang tagumpay sa nagdaang CLRAA MEET 2023 kung saan ay nagwagi sila bilang silver medalist,” ayon sa post ng Paniqui LGU.

Sa susunod na mga araw, itatampok natin sa kolum na ito ang iba’t ibang proyekto pa nina Mayor Max at Vice Mayor Bien.

Samantala, patuloy naman ang pagbibigay ng bigas at iba pang ayuda ni Cong. Arjo Atayde para sa mga taga-Distrito 1 sa Quezon City.

Nabatid na bilang representante ng kongresista, bumaba ang kanyang pinsan na si Montito Almario upang maipamahagi ang ayuda.

“Maraming salamat po sa lahat ng mga kapitan at iba’t ibang sektor na tumulong sa pamamahagi ng bigas para sa ating mga ka-distrito,” ayon kay Cong. Arjo.

Kamakailan ay nagsagawa naman muli ng pay-out ang tanggapan ng mambabatas para sa kanyang mga ka-distrito na humihingi ng tulong pinansyal at iba pang pangangailangan.

Sa pakikipagtulungan nga nila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), aba’y nakapagbigay ng tulong pinansyal ang tanggapan ni Cong. Arjo sa tinatayang 530 na mga residente.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

 

155

Related posts

Leave a Comment