Dahil sa bagong Department Order No. 2019-002 na nilagdaan ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade, mga 25,000 na mga empleyado ng Private Emission Testing Centers (PETCs) sa bansa ang mawawalan ng hanapbuhay makaraang ihayag ng grupong Ani Kalikasan na si Jun Evangelista, ang pangulo.
Sa revise order, ang DOTr Department Order (DO) No. 2019-002 “on Privatizing the Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) Through Authorization” ay ipapalit dito ang PETCs at ito ay tataas ng tatlong ulit ang halaga ng singil ng bayad ng anomang uri at klase ng sasakyan kapag ikaw ay magpapa-smoke emission.
Ayon kay Evangelista hindi solusyon ang alisin ang mga PETCs na palitan ang kanilang bagong panukala sa dahilang parehas lamang ang kanilang mga aparato. Ang PETC Evolution ay pasado sa dating Clean Air Act RA 8749 known as Clean Air Act of 1999.
Dito ay tatamaan pa ang pampublikong sasakyan at pribadong mga may-ari ng sasakyan at kung ikaw ay magpaparehistro at magpapa-smoke emission, ang presyo ay magiging tatlong ulit ang taas ng halaga ng iyong bayarin.
Kaya nanawagan siya kay Pangulong Duterte na ibayong pag-aaral bago ipatupad ito sa dahilang doon papasok ang korapsyon.
Hanga naman ako sa OIC Undersecretary na itinalaga at binigyan ng kapangyarihan ang kanyang sarili na maging prosecutor at judge nang walang kapahintulutan sa ilalim ng Department Order No. 2012-10 and DTI-DOTC JAO No. 1, Series of 2003.
Sumuspendi ito sa mga PETCs nang walang show cause orders at gumagawa ng aksyon at desisyon na hindi pinapayagan sa nasabing DO, DTI-DOTC JAO No. 1, Series of 2003.
Katunayan nagpalabas ng memorandum na nag-uutos para sa mga malalaking truck testing kontra sa nakasaad na probisyon ng naturang DO.
Malinaw na hindi naniniwala sa mga kampanya laban sa mga mapang-abusong kawani ng pamahalaan si OIC Undersecretary.
Tinatawagan: Pangulong Rodgrigo Roa Duterte. Sir, pakiimbestigahan naman po ang DOTr at mukhang malakihan po ang niluluto nila kasi papalitan nila ang mga dating LTO investor sa bago nilang Department Order No. 2019-002. Ito ay sa Revise Order on Privatizing the Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC), napakaganda po ang kanilang konsepto pero hindi akma sa mga pasilidad ng LTO.
Una ay dahil sa laki na kakailanganin na lote at napakamahal ng mga equipment at higit sa lahat tatamaan ang publiko.
Kawawa naman po si Juan Dela Cruz na lalong malulugmok sa kahirapan.
At balita ko po ang utak ng nasabing DO ay anak mismo ng isang pinakamataas sa DOTr. Kay DOTr Sec. Tugade, sir, totoo po ba ang sumbong sa Misyon Aksyon?
353