SO SINADYA?

0

ISANG political observer ang nagdududa sa China na pinagmulan ng coronavirus disease 2019.

Itinuturing na sila ngayon bilang ground zero dahil halos wala na raw COVID-19 doon sa ngayon.

Sabi niya, ang populasyon ng China ay 1.4 Billion. Ang hirap isipin kung papaano na-contain agad ng kanilang gobyerno ang virus na ito na unang sumabog sa Wuhan City.

Alam natin na matindi ang censorship sa China. Bawal magsabi ng totoo dahil sinuman ang gagawa nyan, may paglalagyan sila kaya lahat ng mga isinusubo sa atin na impormasyon ay pawang kabutihan sa kanilang bansa.

Wala pa tayong impormasyon na nabakunahan na ang 1.4 bilyon na populasyon ng China pero sabi nila ok na sila, nakabangon at ­lumago pa ang kanilang ekonomiya noong isang taon pa.

Pero wala tayong ­im­por­masyon na nabakunahan na ang 100% sa kanilang populasyon gamit ang Sinovac na gawa sa kanila at kung nabakunahan man nilla lahat, papaanong ligtas na sila sa virus eh 50% lang ang efficacy ng kanilang ginawang bakuna?

Ang Chile na Sinovac din ang ginamit sa kanilang populasyon ay mataas pa rin ang positivity rate ng COVID-19 dahil 50% lang ang efficacy rate nila. Kaya, oo why in the world okay na ang China? Hindi naman incolculated ang 1.4B people nila.

And even if 50% lang efficacy, so dapat madami pa ring nagpa-positive though hindi na severe. So ang tanong, man made? Iba ang vaccine nila at mas effective sya kesa sa inexport nila sa ibang bansa na mahal ang cost?.

Kaya ang tanong ng political observer “So is this sinadya so other economies will struggle??”.

May punto sya, Bakit? Tingnan mo ang ekonomiya ng mga bansa sa mundo ngayon kasama ang Pilipinas, bumagsak lahat, maliban sa mga bansang maagap na umaksyon tulad ng Israel, Vietnam at Taiwan.

Unti-unti pa lamang bumabalik ang ekonomiya ng Amerika matapos ang isang taong pagdurusa habang ang China ipinagmamalaki sa buong mundo na lumago ang kanilang ekonomiya noong nakaraang taon pa.

Dahil ang China ang may puhunan ngayon, lahat ng bansa na bagsak ang ekonomiya ay aasahan na tatakbo sa kanila para magpatulong upang sila ay makabangon sa delubyong dulot ng COVID-19.

Parang sinasadya ang lahat. Galawang mafia. Sirain mo ang mga kalaban kung saan sila mahina para ikaw ang maghahari at luluhod sa iyo at kapag nangyari yan, wala ng puwedeng kumontra sa iyo.

Dahil sa COVID-19, nailuklok ng China ang sarili sa top of the world at agawin sa US ang ­paghahari sa buong mundo dahil sila lang ngayon ang may magandang ekonomiya.

Mas matindi rin ito sa giyera dahil bukod sa ekonomiya ng mga bansa na bumagsak, nakapatay na rin ito ng 3.2 milyon sa buong mundo at pinaghirap ang mahigit 152 million katao sa mundo.

Buti pa raw sa giyera kahit papaano makakaganti ka sa kalaban dahil nakikita mo sila pero itong virus na unang kumalat sa China, hindi mo nakikita.

Sana may maglakas loob na mapanagot ang China dahil kung naging responsable lang sila at hindi pinayagan ang kanilang mamamayan lalo na ang mga taga-Wuhan na umalis sa kanilang bansa sa gitna ng pandemya ay hindi sana kumalat ang virus na ito sa buong mundo.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment