SOJ REMULLA AT ANG 2022 BAR EXAM

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO

NAKATUTUWA naman kapag ganyan ka-dedicated sa trabaho ang itinalagang opisyal ng Marcos administration sa Department of Justice (DOJ).

Ang sinasabi ko po ay si Secretary Jesus Crispin Remulla ng DOJ na naka-work from home status, makaraang magpositibo ito sa nakamamatay na COVID-19.

Ayon sa tagapagsalita ng DOJ na si Atty. Mico Clavano, malakas naman ang kalihim at mild lamang ang tumamang virus dito subalit kailangan aniyang sundin ang health protocol na mandatory 7-days quarantine kung nahawaan ka ng naturang sakit.

Paliwanag pa ni Atty. Clavano, malakas na at sa ngayon ay wala na umanong sintomas si Sec. Remulla at inaasahang magre-report na ito sa darating na araw ng Huwebes pagkatapos ang 7 araw na mandatory ­quarantine.

Kasabihan nga ngayon ng mga kabataan eh sana “ALL”, ganyan ang lahat ng mga naitalagang opisyal ng ating pamahalaan na talagang may pagmamahal sa kanilang mga tinanggap na tungkulin at hindi ‘yung nagkakamot lang ng kani-kanilang ewan!

Sana maisip din ng mga taga-gobyerno na ‘yung kanilang tinatanggap na suweldo ay mula sa mamamayan o buwis ng mamamayan na kailangan din nilang tumbasan ng kasipagan para naman mayroong ­patu­tunguhan ang ating bansa sa kinahaharap ngayong krisis dahil sa pandemya.

Samantala, ang tanggapan ng bar chair ng Korte Suprema ay nagpalabas ng kautusan para sa pagpapalawig ng paghahain ng aplikasyon para sa law graduate students na nagnanais na maka­kuha ng 2022 bar exams.

Nakasaad sa inilabas na Bar Bulletin No. 4 series of 2022, ng Office of the Bar chair ng Supreme Court, na sa halip na magtatapos ang pagtanggap ng aplikasyon sa June 13-15 na orihinal na petsa ay pinalawig pa ito ng hanggang Agosto 15.

Ikinatwiran ng SC na dahil sa pagkakaiba-iba ng academic ­calendar ng mga paaralan, may ilang law schools aniya na nagsasara ng kanilang academic year na mas huli kumpara sa ibang mga law school na mahuhuli sa unang itinakdang deadline na June 13-15 kayat pinalawig pa ito ng Supreme Court para na rin sa law students na nais makakuha ng naturang pagsusulit para sa kasalukuyang taon.

67

Related posts

Leave a Comment