‘SUPER BUSY SI VP SARA’

TARGET NI KA REX CAYANONG

KILALA si Vice President Sara Duterte bilang napakasipag na public servant. Kahit saan pumunta ang ale, dinudumog siya ng mga tao. Pinagbibigyan niya lahat ng mga imbitasyon.

Kapag masyadong mahigpit naman ang sked, nagpapadala na lang siya ng kinatawan niya, minsan naman ay proxy si Atty. Mans Carpio na mister niya.

Kamakailan, dumalo siya sa isang event sa Azuela Cove, Davao City. Doon ay hinikayat ni VP Sara ang tourism stakeholders na dagdagan ang investment sa sector-specific amenities. Sa ganitong paraan daw ay magkakaroon ng iba’t ibang oportunidad ang bansa at madaragdagan ang kita o revenue sa turismo.

Sa closing ceremony nga ng Meetings, Incentive Travel, Conventions, and Exhibitions o MICE Conference 2023, nanawagan siya sa mga kinauukulan na mag-invest sa medical tourism, heritage tourism, retirement havens, entertainment spots, open-space recreation, at mga community-based travel destinations.

Dapat aniyang magtulungan at pasiglahin muli ang sektor ng turismo. Aniya, ito’y sa pamamagitan ng diverse packages, incentives, at strategic investments na nakasentro sa service quality, public health, transportation, at mas pinabuting immersive experience ng mga turista. Magbibigay-daan daw sa paglago ng ekonomiya ang muling pagpapasigla ng industriya ng turismo.

Madaragdagan din daw, ayon kay VP Sara, ang bilang ng middle-income Filipinos, bababa ang poverty incidence ng 9%, at aangat ang bansa bilang upper-middle-class economy.

Ipinagmalaki at kinilala rin ng bise-presidente ang ambag ng industriya ng turismo sa pag-host ng MICE Conference, mga 10 taon na ang nakalilipas.

Kung maaalala kasi, mas nakilala ang Davao City bilang major player at destinasyon para sa conventions & exhibits industry.

Kaya nga, bilang host ng MICECON 2023, isa na naman itong oportunidad upang maipakitang isa ang lungsod sa tourism gateways sa Kamindanawan.

“Let us work together to revitalize our tourism sector with diverse packages, incentives, and strategic investments with a focus on service quality, public health, transportation, and most of all, enriching the immersive experience of our visitors,” sabi pa ng pangalawang pangulo sa kanyang mensahe.

Samantala, kasabay nito’y kinondena naman ni VP Sara ang malagim na pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at sa limang iba pang biktima.

“His death is a tragedy to the province of Negros Oriental, and I am one with the grieving people of the province, his friends, and his family. Authorities must immediately probe this cowardly, evil act and bring the perpetrators to justice and pay for their crime, especially the brains behind it,” giit ni VP Sara.

120

Related posts

Leave a Comment