TAGUMPAY NI SENADOR ZUBIRI ANG 14 NA GINTO SA ARNIS

SIDEBAR

Pinakamaraming nahakot na medalyang ginto ang Arnis na umabot sa 14 bukod pa sa apat na silver at dalawang bronze para sa kabuuang 20 medalya na isa ng record sa kasaysayan ng Southeast Asian Games.

At ang tagumpay ng Arnis sa 30th SEA Games ay dahil na rin sa todong suportang ibinigay ni Senador Miguel Zubiri na siyang tumatayong presidente at chairman ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF) na siyang humalili sa Arnis Philippines bilang national sports association o NSA.

Kinailangan ng isang senador gaya ni Zubiri na pag-isahin ang lahat ng national organization ng Filipino Martial Arts sa bansa at makakuha ng kagyat na pagkilala mula sa Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

Ito ang pahayag ni Senador Zubiri: “We couldn’t have asked for any more from the boys and girls. They exceeded our expectations. I told them we’ll be happy with 12 golds but they gave us 14. I’m just happy. This is for the country. They had so much sacrifices for the nation. Please give them all honor. All our boys and girls, they fought well for us. Mabuhay po ang Arnis, mabuhay po ang Pilipinas!”

Samantala, isang mala¬king pugay sa lahat ng mga Pinoy na arnisador na nagpakitang gilas para makasungkit ng mga medalya.

Ang mga nakauna sa pagkuha ng mga medalya sa Arnis: Jezebel Morcillo (gold, women’s distaff) at mga nakasungkit ng ginto sa live stick sparring na sina Dexter Bolambao, Nino Mark Talledo, Villardo Cunamay at Mike Banares. Gayundin ang silver medalist na sina Jude Oliver Rodriguez at bronze medalists na sina May Busacay at Eza Rai Yalong.

Humakot din ng ginto sa padded stick category ang women’s team na kinabibilangan nina Sheena Del Monte (bantamweight division), Jedah Mae Soriano (featherweight), Ross Monville (lightweight) at Abegail Abad (welterweight).

Tatlong ginto naman ang naiuuwi ng men’s team na sina Jesfer Huquire (bantamweight), Elmer Manlapas (featherweight) at Carloyd Tejada (welterweight), samantalang silver ang ambag ni Billy Valenzuela (lightweight).

Sina Crisamuel Delfin at Mary Allin Aldeguer naman ay nakakuha ng ginto sa men’s and women’s non-¬traditional open weapon exhibition na mas kilala sa tawag na “Anyo”. Naka-silver naman sina Mark David Puzon at Ryssa Jezzel Sanchez sa kaparehong event.

Inaasahang lalong yayabong pa ang Arnis bilang martial art at sports sa mga susunod na national at international competitions hindi lamang sa Asya kundi pati sa mga bansa sa Europa at Estados Unidos. Sana nga.  (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

 

152

Related posts

Leave a Comment