MARAMING taon pa ang tiyak na bibilangin kung ang pag-uusapan ay kung mapapalitan na sa serbisyo-publiko itong magkapatid na sina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Rep. Toby Tiangco.
Sa darating na halalan sa May 13, magpapalit lang ng posisyon ang magkapatid na siya namang katanggap-tanggap sa mga tagalungsod dahil na rin sa tangible accomplishments ng mga ito na solidong magkapartner sa pagsusulong ng maraming imprastraktura at kabuhayan.
Sa kanilang panahon naging ‘thing of the past,’ ika nga, ang flooding problem sa lungsod na dati-rati’y laging lubog ito kahit simpleng high tide, dahil na rin sa mas epektibong anti-flood control projects nila lalo na ang sandamakmak na pumping stations at malalaking box culverts kung saan mas mabilis na dumadaloy ang tubig-baha papuntang Manila Bay.
Hindi rin matatawaran ang kitang-kitang pagganda at mas lalong pagiging green ng buong lungsod dahil na rin sa kanilang mga proyekto at programa lalo sa environment kasama ang kapaligiran along Navotas shoreline.
Naging matatag din ang relasyon ng lungsod sa national government kung kaya’t mas madaling naisasakatuparan ang mga proyekto lalo na sa pagsasaayos ng mga tulay at kalsada at walang naging delay sa pagpapatupad ng anumang programa lalo sa kabuhayan, kalusugan at edukasyon ng mga mamamayan dahil na rin sa more efficient tax collection system kung saan maayos na nagbabayad ng buwis ang mga tao.
May your tribe multiply, Tiangco brothers!
Walang 500% RPT hike sa QC
Nagbabala sa publiko ang isang opisyal ng Quezon City Assessor’s Office na maging maingat sa maling impormasyon na mag-kakaroon ng 500 percent increase sa real property tax at property tax ng mga simbahan at informal settler families (ISF) sa lungsod.
“Definitely, there will not be an increase of 500% in the real property taxes,” ayon kay Quezon City Acting City Assessor Sherry Gonzalvo, kasunod ng maling ulat na tataas nang malaki ang real property tax (RPT).
Kasalukuyang nakasuspendi ang implementasyon ng ordinansa na magtataas ng fair market values o Ordinance No. 2556, alinsunod na rin sa desisyon ng Quezon City Council.
“We are mandated every three years to revise our values under the Local Government Code. We received a memorandum from the Commission on Audit telling us that we have to revise our fair market values since they have not been updated in 21 years. There’s also a Department of Interior and Local Government-Department of Finance joint memorandum calling all local government units to revise their values.
“But I agree with the council because we were hit by consecutive increases in prices of goods following TRAIN Law. We should not be implementing this right now.
“They also say the churches will be taxed. Definitely, churches are not taxable because they are exempted under the Local Government Code.” (Early Warning / ARLIE O. CALALO)
110