TO THE RESCUE ANG MERALCO SA PALPAK NA SERBISYO NG ELECTRIC COOP

BISTADOR ni RUDY SIM

AGAD na sumaklolo ang Manila Electric Company (MERALCO) sa karaingan ng mga naninirahan sa bayan ng Nasugbu sa Batangas kaugnay sa palpak at masamang serbisyo ng kuryente na nagdudulot ng brownouts, at sa kabila nito ay mas tumaas pa ang singil sa kuryente.

Maging ang Sangguniang Bayan ng Nasugbu ay naglabas ng isang Resolution No. 368, na sinusuportahan na mapabuti ang liwanag ng buhay ng bayang ito upang mapalitan ang palpak na serbisyo ng electric cooperative na BATELEC 1.

Maging ang lokal na pamahalaan ng Apalit, Macabebe, Masantol, Minalin, San Simon at Sto. Tomas sa Pampanga ay ipinasa ang Resolution 01-2023 na makipagtulungan ang Pampanga III Electric Cooperative (PELCO III) sa Meralco, sa pamamagitan ng isang joint venture, upang mapabuti ang serbisyo ng kuryente sa lalawigan, na ayon sa resolution ay hindi naging maganda ang serbisyo ng PELCO III tulad ng mataas na singil sa kabila ng madalas na brownout, at hindi pagtugon sa reklamo ng customers.

Ang mga hinaing ng mamamayan sa madalas na brownout ang pangunahing hadlang na lumago ang ekonomiya at gumanda ang pang-araw-araw na pamumuhay ng nasasakupan nito.

Ang tulong ng MERALCO sa mga electric cooperative sa isang joint venture, ay kayang suportahan ang pangangailangan at mapabuti ang serbisyo sa mga konsyumer.

Sa panahon natin ngayon, saan mang sulok ng ating bansa, mula sa mga mag-aaral at maging sa mga nag-uumpisa pa lamang magnegosyo, ay magandang serbisyo ng kuryente ang tanging sandalan upang maabot ang tagumpay sa buhay.

Ang Meralco ang pangunahing distributor ng kuryente sa bansa tulad ng Metro Manila at ilang karatig na mga probinsya kagaya ng Cavite, Rizal, Bulacan, ilang bahagi ng Quezon, Pampanga, at Batangas.

Ang mga naglabasang datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay patunay lamang na higit na nakapagbibigay ng magandang serbisyo, ayon na rin kay Meralco Chairman at CEO Manuel V. Pangilinan, na ang pakikipagsosyo sa electric cooperatives na nasa labas ng prangkisa nito, ay naglalayong pasiglahin at palaguin ang ekonomiya sa mga kanayunan.

60

Related posts

Leave a Comment