TOP PERFORMING MAYORS SA BULACAN

DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST)

MARAMING mahuhusay na mga alkalde sa Pilipinas.

Ang ilan ay kilala ko nang personal habang ang iba naman ay napapanood ko lang sa telebisyon.

Habang ang iba ay mismong ang mamamayan nila o ang kanilang nasasakupan ang nagsasabi at nagpapatotoo kung gaano sila kahusay.

Kamakailan naman, nagkasa ng independent at non-commissioned survey ang JuanPH na mayroong 10,000 respondents mula sa Bulacan upang alamin ang top performing mayors dito.

Nag-number 1 si Mayor Arthur Robes ng San Jose Del Monte matapos makakuha ng 93.4%.

Pumangalawa naman si Mayor Fernando Galvez ng San Ildefonso na nakakuha ng 92.9% at pumangatlo si Mayor Cholo Violago ng San Rafael na nakakuha ng 92%.

Kung hindi ako nagkakamali, ang Bulacan Survey na ito ay bahagi ng “Para Sa Mamamayan” kung saan ang mga respondent ay pawang mga rehistradong botante at residente ng Bulacan, nasa edad na 18 hanggang 70.

Sinasabing mayroon itong sampling margin of error na +1/-1 porsiyento at may antas na 95% na antas ng kumpiyansa.

Random na pinili ang mga respondent at ang bilang ng tumugon sa bawat lungsod ay ibinahagi nang patas sang-ayon sa datos ng populasyon sa pagboto.

Samantala, tuloy-tuloy ang iba’t ibang mga proyekto at programa ni Mayor Violago para sa kanyang mga nasasakupan.

Bilang suporta naman sa mga kabataang San Rafaeleño, muling ipinamahagi ang tulong pinansyal sa mahigit 1,400 mag-aaral.

Ayon sa alkalde, “Ito ay tulong sa ating mga kabataan sa panahon ng kanilang pagtuntong sa kolehiyo. Kaalinsabay nito ang ating programang pagtatanim ng kani-kanilang puno ng calamansi. Sa pamamagitan nito, hinihimok natin ang ating mga kabataan na maging responsable at higit sa lahat maka-kalikasan.”

Nangako ang masipag na alkalde na sisikapin ng kanyang tanggapan sa mga darating na panahon na mas mapalawig pa ang programang ito upang mas madaming kabataang San Rafaeleño pa ang kanilang matutulungan.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

301

Related posts

Leave a Comment