Forward Negosyo handog sa mga taga-Montalban TULONG INILALAPIT NI NOGRALES SA TAO

Rep Fidel Nograles-2

PATULOY at walang humpay na ipinatutupad ni Congressman Fidel Nograles ang “Tulong Pinansiyal sa Montalban” para sa mga residente ng nasabing bayan.

Katuwang ni Cong. Nograles sa kanyang pamimigay ng “Tulong Pinansiyal sa Montalban” ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pa.

Kabilang sa mga nakatanggap ng ayuda ay mahigit sa isang libong mga kapos-palad na senior citizens at persons with disabilities (PWD), kababaihan, kabataang mag-aaral at mga nawalan ng kabuhayan.

Ang nasabing “Tulong Pinansiyal sa Montalban” ay sa pamamagitan ng financial assistance, medical assistance, burial assistance, educational assistance at livelihood assistance.

Ayaw ni Cong. Nograles na mahirapan pa ang mga benepisyaryo sa pagtungo ng mga ito sa kanyang opisina sa Batasang Pambansa sa Quezon City, kung kaya’t mga tauhan niya na mismo ang naghahanap ng covered court kung saan malapit ang mga residente.
Kaugnay nito, nangako si Nograles na patuloy niyang isasagawa ang pagtulong sa kanyang constituents sa Ika-4 na Distrito ng lalawigan ng Rizal.

Patuloy rin ang panawagan ni Nograles sa ating mga kababayan na matutong magnegosyo at magkaroon ng pandagdag kita o sideline tulad ng pagtitinda o sari-sari store upang umasenso at makaahon mula sa kawalan ng kabuhayan.

“Dahil dito ay umarangkada na po ang ating susunod na batch ng Forward Negosyo katuwang ang DOLE kung saan namahagi tayo ng food carts na may bisikleta at iba’t ibang kasangkapan, rekados, at kagamitang panluto para sa siguradong patok na negosyong street foods tulad ng siomai, siopao, lechon manok, beef pares, pork sisig, mangga with bagoong, nilagang mais, banana cue, at puto bumbong,” pahayag ni Nograles.

Nagbigay rin ng seminar at pagsasanay ang DOLE upang turuan ang ating mga kababayan kung paano palaguin at pagyamanin ang ating maliit na negosyo.

“Patuloy naman po tayong nakaagapay at nakaalalay sa ating mga maliit na negosyante upang sabay-sabay po tayong aahon mula sa kahirapan,” banggit pa ni Nograles.

(JOEL O. AMONGO)

99

Related posts

Leave a Comment