ORAS NG PAMAMALENGKE SA DAVAO CITY LIMITADO NA

MAHABA na ang pila ng mga namimili sa Agdao Public Market sa Davao City dahil sa ipinatutupad na social distancing o isang metrong layo sa iba pang mga namamalengke
para makaiwas sa COVID-19.

Ipinatutupad na rin sa palengke ang ‘one entrance at one exit policy’.

Para naman malimitahan ang paglabas-masok ng mga tao sa walong malalaking palengke ng Davao, nilimitahan na ang oras sa pamamalengke mula 5am hanggang 6-7pm naman ang iba.

Kailangan ding dumaan at umapak sa inilagay na foot bath at washing area para makapaghugas ng kamay bago makapamalengke.

Mandatory na rin ang pagsusuot ng face mask.

Samantala, nag-alala naman ang mga nagtitinda sa Agdao Public Market dahil nagkalat ang mga ambulant vendor sa labas ng palengke kahit na sinabihan na sila na huwag munang magtinda dahil sa banta ng virus.

Para masigurong malinis ang palengke, patuloy na nagsasagawa ng disinfections sa Bankerohan Public Market sa Brgy. 5-A.
Isa kasi ito sa pinakamalaki at dinadagsang palengke sa Davao City. DONDON DINOY

149

Related posts

Leave a Comment