ORDER OF LAPU-LAPU Kina Diaz, Petecio, Paalam at Marcial

Ni ANN ENCARNACION

PINAKAMATAAS na karangalan para sa mga bagong bayani ng Pilipinas – weightlifter Hidilyn Diaz at boxers Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial.

Nakatakdang pagkalooban ng Office of the President ng pinakamataas na karangalan na Order of Lapu-lapu ang apat matapos ang matagumpay na kampanya nila sa 2020+1 Tokyo Olympics.

Apat na medalya — gold mula kay Diaz, dalawang pilak mula kina Petecio at Paalam, at isang tanso mula kay Marcial– ang naiuwi nila mula sa pinakamatagumpay na kampanya ng bansa simula nang magpartisipa ito sa quadrennial Games noong 1924.

Ipinaalam mismo ni ­Pangulong Rodrigo Duterte ang magandang balita sa ­video courtesy call sa ­naturang Pinoy athletes.

“The Office of the President will give you the highest honor given by Republic of the Philippines for Filipinos that brings honour and glory to the country,” pahayag ng pangulo.

Pinasalamatan ni Duterte ang mga atletang aniya’y nagpakitang husay sa Tokyo Olympics at kasabay nito’y nangakong magbibigay ng P2-milyon kina Petecio at Paalam at P1-milyon para kay Marcial.

Bibigyan din ng presidente ng P200,000 at citation ang iba pa sa 19 Tokyo Olympians na hindi pinalad magwagi ng medalya.

125

Related posts

Leave a Comment