Nasabat ng Bureau of Customs – Port of NAIA, sa tulong ng Environment Protection Compliance Division (EPCD) ng Bureau of Customs, ang tatlong bagahe na naglalaman ng may timbang na 28 kilong Agarwood na tinatayang nagkakahalaga na Php2,400,000 sa Fedex warehouse sa Pasay City.
Ang Agarwood ay isang classified sa ilalim ng “Appendix 2” ng Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Flora and Fauna (CITES).
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang Agarwood ay isang ‘resin valued for its distinctive fragrance.’
Ito ay nabuo kung kailan punong-puno at nahawahan ng amag (mold) na tinawag Phialophoraparasitica.
Ang mold infection ang gumagawa sa kahoy para maging dark aromatic resin na tinawag na ‘aloes or aga’ sa kanyang heartwood.
Ang fragrant resin ay gamit sa paggawa ng insenso, pabango at medicinal products partikular sa Middle East at Asia.
Inihayag ng DENR na ang pagbebenta ng agarwood or lapnisan ay illegal sa Pilipinas.
Ito ay natatagpuan sa lamang pusod ng kagubatan sa Mindanao at Visayas.
Kadalasan, ito ang pinupuntahan ng mga dayuhan sa remote villages ng bansa at nagpapatulong para mahanap ang nasabing mamahaling kahoy.
Ayon sa reports, ang treasure ay bihira at mahal na kahoy sa mundo na ang isang kilo ng agarwood fetches ay nagkakahalaga ng P750,000.
Lumalabas sa dokumento na ang packages ay misdeclared bilang “face masks and clothes”, “shoes at hand bags”, at “leather jackets, face masks, man pants”.
Lahat ng tatlong bagahe ay ipinadala ng isang residente mula sa Davao patungo sa United Arab Emirates (UAE).
Sa x-ray inspection, ang packages ay nakitaan ng iba’t ibang images kung ikukumpara sa idineklara ng nagpadala.
Dahil dito, ang bagahe ay naging pakay ng 100% physical examination.
Natuklasan na umaabot ng kabuuang 28 kilos ang agarwood sa isinagawang examination.
Kaugnay nito, ang packages ay tinangkang i-export nang walang kaukulang permits mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang nasabing packages ay isinailalim sa seizure and forfeiture proceedings para sa paglabag sa Section 117 (Regulated Shipments), Section 1400 (Misdeclaration) at Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture), lahat ng Republic Act No. 10863 (CMTA) na may kaugnayan sa Section 27 (i) [Illegal Transport] of Republic Act No. 9147 (Wild Life Act).
Ang kahoy ay itinurnover na sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). (Joel O. Amongo)
