P2.5-M MODIFIED MUFFLERS SINIRA NG BULACAN PNP

UMABOT sa 1,654 mufflers na nagkakahalaga ng mahigit P2.5 milyon, ang sinira ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa isinagawang Ceremonial Destruction of Confiscated Open Pipe/Modified Mufflers sa Camp General Alejo S. Santos, Malolos City.

Pinangunahan ni PCol. Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, kasama si Governor Daniel R. Fernando at ng lahat ng chief of police sa mga lungsod at munisipalidad, ang naturang pagwasak sa nakumpiskang mga tambutso na nagdudulot ng noise pollution.

“We congratulate the effort and fastest action of Bulacan Police Provincial Office (PPO) for this accomplishment. Ito ay bahagi ng ating programa at kampanya sa pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa lalawigan ng Bulacan kabilang na ang noise pollution. Walang puwang sa lalawigan ang mga hindi tumutupad sa ordinansa at sa batas,” mensahe ni Fernando.

Sinabi naman ni Col Garcillano… “We are sending a strong message to the people of Bulacan that our campaign against modified illegal mufflers is consistent, ito po ay tugon sa panawagan at sumbong ng komunidad sa mga maiingay na tambutso sa kalsadahan.”

Ang nakumpiskang mga tambutso ay nasabat sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod sa lalawigan kung saan ang bawat isa ay tinatayang nagkakahalaga ng P1,500 hanggang P2,000.

(ELOISA SILVERIO)

2

Related posts

Leave a Comment