BULKANG MAYON NAGBUGA NG LAVA AT MGA BATO

NAGBUGA ng lava at mga bato ang Bulkang Mayon sa gitna ng patuloy nitong pag-aalboroto, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes, Enero 15, 2026.

Ayon sa Phivolcs, nananatiling Alert Level 3 ang bulkan matapos maitala ang lava effusion, 207 rockfall events, at pagbuga ng puting usok na umabot sa 800 metro ang taas mula sa bunganga.

Muling pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) at ang walang ingat na pagpasok sa Extended Danger Zone (EDZ).

Nagbabala rin ang Phivolcs sa posibleng pag-agos ng lahar sakaling magkaroon ng malalakas na pag-ulan sa paligid ng bulkan.

(PAOLO SANTOS)

3

Related posts

Leave a Comment