P2-M DROGA NAKUMPISKA, 4 TULAK NALAMBAT

ARESTADO ang tatlo katao at isang child in conflict with the law (CICL) ang nasagip, habang halos P2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa anti-drug operations sa mga lungsod ng Caloocan at Malabon.

Dakong 4:30 a.m. noong Mayo 20 nang isagawa ang operasyon sa 171 Malolos St., Bagong Barrio, Barangay 153, Caloocan City kung saan nadakip ang CICL na si alyas “Luka” habang nakatakas ang target ng operasyong nakilala lamang sa alyas na “Tipus.”

Walong kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may preyong P960,000, 28 gramo ng “kush”  na may presyong P 67,200, at buy-bust money ang nakumpiska sa nasabing operasyon.

Bandang alas-10:20 p.m. naman noong Mayo 19 nang isagawa ang operasyon sa BMBA Compound, 3rd Ave., Brgy 120, Caloocan kung saan natiklo si Rose Ann Gonzales y Manuel, 35, at nakumpiska ang 100 gramo ng shabu na may halagang P 680,000.

Sa nasabi ring petsa dakong 10:30 p.m. ay nasakote Blk. C, Lot 50, Phase 2, Area 3, Hito St., Brgy Longos, Malabon sina Angelito Manangan y Lacson alyas Toto, 33, at Jeffrey Olino y Ablaza alyas”Jeff”, 45 at nasamsaman ng 30 gramo ng shabu na P204,000 ang presyo. (ALAIN AJERO)

151

Related posts

Leave a Comment