P3.9-M PANG MARIJUANA SINUNOG SA BENGUET

TINATAYANG mahigit sa P3,980,000.00 halaga ng marijuana plants ang winasak at sinunog sa patuloy na eradication campaign ng Philippine Drug Enforcement Agency sa lalawigan ng Benguet.

Sa ipinadalang ulat sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, apat na marijuana plantation na nasa bulubunduking lugar, ang sinalakay ng PDEA-Cordillera (PDEA-CAR), katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI)-CAR, PROCAR Benguet Province Police Office- PDEU, Benguet Highway Patrol Group, at Kibungan Municipal Police Station sa Sitio, Batangan, Tacadang, nitong nakalipas na linggo.

Saklaw ng apat na plantasyon ang lupain na umaabot sa 2,050 square meters, kung saan binunot ang humigit-kumulang 19,900 puno ng marijuana.

Ang lahat ng mga halaman ng marijuana ay nawasak sa mismong lugar, alinsunod sa mga tamang proseso ng pagsira ng droga na hango sa halaman.

Walang naaresto sa panahon ng operasyon gayunman, isang aktibong pagsisiyasat ang patuloy para sa pagtiyak sa pagkakakilanlan ng may-ari ng lupa at ang mga responsable sa ipinagbabawal na pagtatanim ng marijuana.

(JESSE RUIZ)

40

Related posts

Leave a Comment