P300K NATANGAY SA HARDWARE STORE

CAVITE – Tinatayang P300,000 halaga ng cash at mga alahas ang tinangay ng apat na kalalakihan matapos pasukin ang hardware store and construction supplies na pagmamay-ari ng pamilyang Chinese national sa Naic noong Linggo ng hapon.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat na mga suspek na inilarawang pawang naka-helmet.

Ayon sa ulat, bandang alas-12:30 ng hapon nang puwersahang pasukin ng mga suspek ang GMZ Hardware and Construction Supplies sa Brgy. Sabang, Naic, Cavite.

Iginapos ng mga suspek ng duct tape ang mga biktimang sina Liwahe Wu, 56, general manager; Manzu Chen, 55; Ziqiang Wu, 38; at alyas “Yoyong”, 17, estudyante, saka tinangay ang tinatayang P300,000.00 cash at alahas.

Matapos nakuha ang pera, tumakas ang mga suspek sa ‘di pa nabatid na direksiyon lulan ng hindi nabatid na sasakyan.

(SIGFRED ADSUARA)

18

Related posts

Leave a Comment