P3K para sa VIP treatment ‘MAYOR’ SA KULUNGAN TIKLO SA KOTONG

CAVITE – Arestado ang “mayor” sa Bacoor City Custodial Center matapos na mabuking sa panghihingi ng P3,000 sa mga dumadalaw sa nakapiit nilang kaanak kapalit ng “VIP treatment,” sa isinagawang entrapment operation.

Kinilala ang inarestong suspek na si Jonathan Sumastre, 39, binata, mayor/bastonero sa Bacoor City Custodial Center sa Brgy. Molino 2, Bacoor City, dahil sa reklamo ni Rody Palma, 52, isang preso na may kinakaharap na kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ayon sa ulat ni Pat. Marco Romero Cupo ng Bacoor City Police, inireklamo ni Palma ng pangongotong si Sumastre dahil sa paghingi ng P3,000 sa mga dumadalaw sa kaanak nilang nakakulong sa nasabing piitan.

Bunsod nito, nagsagawa ng entrapment operation dakong alas-5:30 ng hapon noong Biyernes ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakuha sa suspek ang P1,000 tunay na pera at dalawang pirasong boodle money.

Bukod sa kasong paglabag sa RA 9165, nadagdagan pa ng kasong robbery extortion ang suspek. (SIGFRED ADSUARA)

123

Related posts

Leave a Comment