P45M UKAY-UKAY TIMBOG SA PARAÑAQUE

TIMBOG sa ikinasang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) ang hindi bababa sa P45 milyong halaga ng mga segunda manong kasuotang higit na kilala sa merkado bilang ukay-ukay nang sabay na salakayin ang ilang bodega sa lungsod ng Parañaque kamakailan.

Sa ulat ng mga operatiba, nasa 3,300 bulto ng mga ukay-ukay ang tumambad nang pasukin ang tatlong warehouse facilities sa Barangay Baltao ng naturang lungsod.

Kabilang sa mga nasabat sa naturang pagsalakay ang mga pinaglumaang kasuotan tag­lay ang mga kilala at mamahaling tatak tulad ng Crocs, Adidas, Nike at iba pa.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa mga may-ari ng mga nasamsam na kontrabando at maging ang may-ari ng bodega kung saan pinaniniwalaang ibinabagsak ang mga smuggled ukay-ukay bago ikalat sa merkado.

Sa ilalim ng umiiral na batas, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-angkat ng anumang segunda-manong kasuotan bunsod ng peligrong dala nito sa kalusugan ng mga tao.
(BOY ANACTA)

163

Related posts

Leave a Comment