PATUTSADA SA CUSTOMS SINALAG NI DOMINGUEZ

Ni JOEL O. AMONGO

TALIWAS sa paniwala ng publiko, malayo na sa dating kawanihang kilala lang sa katiwalian ang bagong Bureau of Customs (BOC), ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez kaugnay ng mga patutsada ng mga presidential bets laban sa naturang ahensya.

Partikular na tinukoy ni Dominguez ang aniya’y ma­ling paniwala ng mga kandidatong dumalo sa presidential debates kung saan nila inihayag ang planong panagutin ang mga opisyales
ng kawanihan sa gitna ng diumano’y sabwatan sa patuloy na pamamayagpag ng mga sindikato sa likod ng smuggling activities sa bansa.

Giit ni Dominguez, malaki na ang nabago sa BOC. Katunayan aniya, ikalawa na ang nasabing kawanihan sa talaan ng mga ahensyang pinakamalaki ang naisampang pondo sa gobyerno.
“Obviously, I think the BOC’s a lot better now than in 2016,” sambit ni Dominguez.

Gayunpaman, malugod na tinanggap ng Kalihim ang planong imbestigasyon sa kawanihang nasa ilalim ng pangangasiwa ng departamentong kanyang pinamumunuan, kasabay ng pa­anyaya sa mga tumutuligsa na personal na bisitahin ang kawanihang kanilang binibira.

Aniya pa, malaking tulong din kung matutukoy ng mga naturang mga kandidato sa posisyon ng Pangulo ang mga aspetong kailangan ng ibayong pagbabago.

“In fact, I have asked Commissioner [Rey Leonardo] Guerrero to invite all candidates for a briefing in the BOC’s office,” ani Dominguez.

Pagtityak ng Kalihim, walang itinatago sa BOC. Katunayan aniya, lingguhan ang kanilang inilalabas na ulat hinggil sa pumapasok na buwis mula sa BOC fuel marking program na nagbigay daan para makolekta ng gobyerno ang angkop na buwis na katumbas ng mga inaangkat na langis.

“In the past when fuel marking was nonexistent, oil smuggling resulted in billions of pesos in foregone revenues—estimated back in 2016 to be equivalent to half of actual BOC and Bureau of Internal Revenue collections from fuel products yearly.”

Samantala, inaasahan aniya nila ang syento-por-syentong automation ng BOC, bagay na aniya’y makakatulong para ganap nang mawala ang pera-perang usapang karaniwang nabubuo kung personal na nakikipag-usap ang mga importers at mga BOC officials at personnel.

“Of course, we acknowledge the need for continuing improvements.”

Kaugnay nito, isang pahayag naman ang inilabas ni BOC Assistant Commissioner Jet Maronilla – “We welcome, will cooperate and support any and all investigations. PACC, Arta, NBI, PDEA, and COA are already embedded in the

BOC investigating any and all reports or complaints against the BOC. We also welcome the assignment of a resident ombudsman in the BOC.”

292

Related posts

Leave a Comment