P67.57-M INITIAL DAMAGE NG BAGYONG PEPITO

POSIBLENG tumaas pa sa P67.57 milyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Pepito nitong nagdaang araw, na tumama sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Dakong alas-10:00 ng umaga noong Oktubre 22 ay namataan ang nasabing bagyo sa 485 km west northwest ng Dagupan City, Pangasinan o 480 km west ng Sinait, Ilocos Sur (outside PAR).

Ang initial damage and losses na dulot ng STS “Pepito” ay sa Cagayan Valley, Central Luzon, at CALABARZON area na umabot sa P67.57 milyon, katumbas ng volume of production loss na 4,672 metric tons, at nakaapekto sa 7,704 hectares ng lupain at 5,998 mga magsasaka.

Kabilang sa mga naapektuhan ang mga pananim na palay, mais, high value crops at livestock and poultry.

Ayon sa DA Regional Field Office, bagama’t sinalanta ang nasabing mga rehiyon ay mayroon magagamit na 91,067 bags ng bigas, 3,825 bags ng mais at 384 kgs ng sari-saring vegetable seeds na nakareserba at ipamamahagi sa mga apektadong magsasaka para muling silang makapagtanim.

Tiniyak naman ni Agriculture Secretary Willam Dar na pabibilisin nila ang kanilang paghahatid ng tulong sa mga magsasakang tinaman ng bagyong Pepito.

Ang tulong mula sa kagawaran ay ang magagamit ng mga magsasaka at mangingisdang apektado: 1) Quick Response Fund (QRF) for the rehabilitation of areas to be affected by the tropical cyclone; 2) Seed reserves from Regions II, III, and IV-A; 3) Survival and Recovery (SURE) Program of Agricultural Credit Policy Council (ACPC); at 4) Available funds from Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) to indemnify affected farmers.

Patuloy naman ang ‘monitoring and field validation’ ng DA RFOs sa apektadong mga erya. (JOEL O. AMONGO)

261

Related posts

Leave a Comment