HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Port of Manila (POM) ang dalawang (2) container ng misdeclared clothes na mas kilala sa tawag na “Ukay-Ukay.”
Sa pamamagitan ng alert order na inisyu ni Port District Collector Angelo Vargas sa pakikipagtulungan ng BOC Intelligence Group, ang shipment na naka-consigned sa isang MGGF INTERNATIONAL TRADING CORP ay ipinasok sa bansa noong Christmas Holidays mula China matapos na ideklara bilang mga tissue.
Sa eksaminasyon sa nasabing container ay natuklasan na naglalaman ito ng used clothes o Ukay-Ukay na may halagang 7.853 milyong piso.
Ang shipment ay hinuli dahil sa paglabag sa Section 1400 na may kaugnayan sa Section 1113 ng RA 10863 o mas kilala sa Customs Modernization and Tattif Act (CMTA).
Kaugnay nito, ang revocation ng importer’s accrediation na nasa likod ng smuggling ng Ukay-Ukay ay pinoproseso na ng Bureau of Customs.
Sa pahayag ni POM District Collector Vargas, tiniyak niya na ang Port of Manila ay hindi mapapasok ng illegal at smuggled goods.
Karagdagan nito, inihayag din niya na ang kababaihan at kalalakihan ng Port ay nagtatrabaho na walang pagod sa holiday season na kung saan nagresulta ng pagkakasabat ng mga nabanggit na Ukay-Ukay.
Ang Port of Manila ay patuloy sa kanilang matatag sa pag-se-secure sa hangganan ng bansa bilang parte kampanya ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na mawala ang muggling sa bansa. (Joel O. Amongo)
