LAGUNA – Arestado sa San Pablo City ang isang lalaking kabilang sa isang big time investment scam syndicate na nambiktima sa mga investors ng halos P8 bilyong halaga sa Mindanao.
Nasakote ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek na si Dexter Auditor sa San Pablo City, Laguna nitong Huwebes.
Ayon kay NBI Laguna District Office chief, Atty. Danilo Daganzo, nakakulimbat ang suspek ng halos P500 milyon mula sa mga investor na pinangakuan ng 400 porsyentong kita sa Tagum Rigen Marketing and Wellness Products na nambiktima sa Tagum City, General Santos City, Davao del Sur at Davao Occidental.
Noong taong 2020 ay nahuli ang lider ng sindikato sa Tagum City na si Rico John Garcia na sinampahan ng kasong syndicated estafa makaraang makatangay ng P2 bilyong halaga mula sa mga biktima. (CYRILL QUILO)
242
