PAFR AT AKOOFW NAGDAOS NG FEEDING PROGRAM

Nasa Larawan: (Mula sa kaliwa) Major Carl Diputado, Lt. Col. Donald Patrick Lim, Marcia Gonzalez-Sadicon at Major Chie Umandap.

PINAGTIBAY sa pamamagitan ng pirmahan ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng Philippine Air Force Reserve-12th Air Force Group Reserve (12thAFGR) at ng Advocates and Keepers Organization of OFW Inc. (AKOOFW) ang regular na programang Community Feeding Program na gaganapin sa ilang barangay sa Makati, Mandaluyong, San Juan, Pasig, Pateros at Taguig.

Alinsunod ito sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos upang ipalaganap ang tamang nutrisyon sa kabataan.

Layunin din nito na rumesponde sa pamamagitan ng mabilis na pagdadala ng pagkain sa mga lugar na nasalanta ng bagyo o nasunugan.

Ang kasunduan ay ginanap sa Paco Catholic High School nitong Sabado, Hunyo 24, na nilagdaan ni 12th AFGR Group Commander Lt.Col. Donald Patrick Lim at AKOOFW Inc. National President Marcia Gonzalez-Sadicon.

397

Related posts

Leave a Comment