PAGBABAKUNA KAY ALICE DIXSON DUMAAN SA PROSESO

WALANG iregularidad o special treatment sa pagbabakuna sa movie at television actress na si Alice Dixson sa Maynila kamakailan.

Ito ang tiniyak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso base sa ulat mula kay Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla, na nagsasabing mismong ang Department of Health (DOH) ang naglinis sa pangalan ng ospital sa bintang na pinayagan nitong mabigyan ng second dose ang aktres sa isang mass inoculation.

Iniulat ni Director Padilla kay Moreno na tulad din ng karamihan na nagpunta ng ospital upang mabakunahan noong Mayo 20, si Dixson ay pumila at hinintay ang kanyang pagkakataon na mabakunahan.

Kuwalipikado rin aniya ang 51-anyos na si Dixson sa bakuna sa araw na iyon dahil siya ay kabilang sa A3 category o mga indibidwal na edad 18 hanggang 59 at may comorbidities.

Nauna rito, binatikos sa social media ang pagpapabakuna ni Dixson dahil hinala ng ilan ay binigyan ito ng special treatment dahil sa kanyang pagiging celebrity.

“I hope the netizens will be circumspect in their comments. Our vaccinating teams have been sacrificing a lot, working even on weekends and holidays not for eight, but 14 hours a day, whenever there are enough vaccines that come our way,” sabi pa ng alkalde. (RENE CRISOSTOMO)

260

Related posts

Leave a Comment