PAGBABAKUNA SA A4 WORKFORCE AARANGKADA NA

NAGBIGAY na ng hudyat ang pamahalaan para sa pagsisimula na mabakunahan ang A4 workforce ngayong araw.

Sa isinagawang NCR+8 Commitment Ceremony at Symbolic Vaccination ng A4 sa SM Mall ofAsa (MOA), Ground Floor, Central Atrium ay sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na nasa 35 milyon ang bumubuo ng A4, ayon sa pagtataya ng mga ekonomista.

Kabilang aniya sa A4 ang private sector workers, informal sector workers at self-employers na kailangang magtrabaho sa labas ng kanilang tirahan at mga nagtatrabaho sa private households.

“Sa madaling salita, mga nagtatrabahong Pilipino,” ayon kay Sec. Roque.

Dahil dito, ang pagbabakuna sa A4 ay masasabing “game changer” sa laban ng pamahalaan sa COVID-19.

Layon nito na ligtas na makapaghanapbuhay ang mga manggagawa.

Ito rin aniya ang magsisiguro na kahit nandiyan ang coronavirus ay hindi masisira o matitigil ang serbisyo ng pamahalaan.

Sa kabilang dako, nilinaw ni Sec. Roque ang isa sa mga kontrobersyal na anunsyo niya sa isang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“Sinabi po ng IATF na yung mga nabakunahan na sa Pilipinas pag sila ay nag-abroad pag balik nila, eh kinakailangangan 7-day quarantine pa rin po sa facilities na hindi naman ire-require ang PCR. Naku po, ang daming bumatikos nung weekend at ang sabi eh ang request dapat wala na raw quarantine sa mga bumabalik na mga Pilipino lalung-lalo na yung magbabakasyon po. Paunawa po, pero unang-una tagapagsalita lang po ako, laway lang po ang tawag sa akin laway king,” anito.

“Pangalawa, ang problema po kasi, wala pa po tayong kasunduan sa buong daigdig kung pano natin mabe-verify yung authenticity ng mga vaccination card sa buong daigdig. Ang personal kong pananaw, bilang isang nagturo ng international law sa UP ng 15 taon, baka kinakailangan magkaroon ng isang international na kasunduan kung dapat magkaroon ng standard na vaccination certificate nang sa ganun hindi po problema ang pag-authentic kung totoo o peke yung vaccination card,” dagdag na pahayag nito.

Giit nito, hindi naman niya sinasabi na hindi na pag-uusapan sa IATF kung ano ang magiging arrival protocols sa mga nabakunahan na dahil papunta na aniya ang IATF sa usaping iyon.

Subalit sa Pilipinas aniya ay nagsisimula pa lamang ang A4.

Kaugnay nito, nakiisa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko sa pagsisimula ngayon ng pagbabakuna sa A4 workforce.

“I am pleased to join you today as we mark a major milestone in our battle against COVID-19. We can now see the light at the end of the tunnel as the vaccine shipments have arrived, have started to arrive in bulks,” ang bahagi ng mensahe ng pangulo.

Aniya, ang kaganapang ito ay resulta ng agresibong pagsisikap ng pamahalaan na tiyakin na may sapat na suplay ng bakuna mula sa iba’t ibang manufacturers.

Sa pagsisimula pa rin aniya ng mass vaccination, ang A4 priority category ay mga manggagawa mula sa public at private sector na mabibigyan ng karagdagang patong ng proteksyon laban sa sakit.

“To my dear kababayans, let us keep in mind that vaccination is the only way forward for us to overcome this pandemic.

But we must also remember that getting vaccinated is not the only solution. We must continue to observe minimum public health standards by wearing a mask, washing our hands, and observing social distancing,” ayon kay Pangulong Duterte. (CHRISTIAN  DALE)

142

Related posts

Leave a Comment