PAGBABAKUNA SA SENIORS AGAD IKAKASA

SINABI ng Malakanyang na hindi na hihintayin pang tapusin ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga medical worker bago simulan ang inoculation sa hanay ng mga senior.

Ani Presidential spokesperson Harry Roque, habang dumarating ang iba pang mga bakuna gaya ng AstraZeneca at Sputnik V ay isasalang na rin sa pagtuturok ang mga elderly, mahihirap at mga may comorbidities.

“Mayroon po tayong istratehiya ‘no, hindi na po natin aantaying matapos lahat ng frontliners isasabay po natin ang mga indigent elderly lalung-lalo na sa EUA, ang Sinovac po ay hindi magagamit sa elderly,” aniya.

Ang tantiya ni Sec. Roque ay baka matapos na ang pagbabakuna sa hanay ng frontliners sa susunod na buwan.

Habang sa buwan naman ng Hunyo ay inaasahang magsisimula ang vaccination sa general public at sa mga panahong iyon, ayon kay Sec. Roque ay tapos na ang pagbabakuna sa mga senior at may commorbidities. (CHRISTIAN DALE)

86

Related posts

Leave a Comment