PAGBABALIK NG NFA RICE SA PALENGKE TATRABAHUHIN NI TULFO

UUNAHING trabahuhin ni Senator-elect Erwin Tulfo sa pagbubukas ng sesyon ng Senado ngayong Hulyo ang maibalik sa mga palengke ang NFA rice.

Ayon kay Tulfo, “Kailangan munang balikan at i-adjust ang ilang probisyon sa Rice Tariffication Law (RTL) o ang Republic Act 12078. Inalisan ng kapangyarihan ang NFA ng nasabing batas na magbenta ng bigas sa mga palengke. Maari lang itong bumili ng bigas sa mga magsasaka o mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa para gawing “buffer stock” ng bansa.

“At dahil inalis sa NFA ang pagbebenta ng murang bigas sa palengke, tanging mga traders at importers na lang ang nagbebenta ng bigas sa merkado ngayon,” ani Tulfo. Dagdag pa ng mambabatas, “At dahil wala nang murang bigas mula sa NFA, kontrolado na ng mga cartel ang presyo ng bigas sa palengke”.

Inalis sa NFA ang pagbebenta ng bigas sa mga palengke dahil sa umano’y malawakang korupsyon sa nasabing ahensya.

Pero ayon kay Tulfo, “Inalis mo nga sa NFA ang pagbenta ng bigas, ang sambayanan naman ang nagdusa”. Dagdag pa niya, “Trabaho ng Ombudsman ang magbantay ng mga ahensya at opisyal na korap di ba?”

60

Related posts

Leave a Comment