TINIYAK ni Department of Education Secretary Sonny Angara na walang nasaktan o maling pinsala na naitala kasunod ng malakas na paglindol, Sabado ng umaga sa Laoag City, Ilocos Norte, kasalukuyang nagsisilbi bilang host para sa 65th Palarong Pambansa. Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang bayan ng Luna, La Union pasado alas-10 ng umaga ng Sabado. Naitala ang sentro ng lindol sa layong 31 kilometers hilagang kanluran o sa karagatang sakop ng Luna, La Union. Naramdaman ang lindol sa mga karatig-lungsod kabilang na ang Laoag City, kung saan ginawa ang…
Read MoreMANUAL RECOUNT HILING NG TALUNAN SA GUBERNATORIAL RACE
HINILING ni outgoing Marinduque lone District Rep. Lord Allan Jay Velasco sa Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng manual recount ng boto sa kanyang probinsya matapos matalo ng 400 boto sa gubernatorial race. Sinabi ni Velasco sa isang pahayag, naghain siya ng pormal na apela sa Comelec upang magsagawa ng manual recount ng mga boto, hindi lamang para sa kapakinabangan ng taga probinsya ng Marinduque kundi kundi para rin sa mas malawak na layunin na mapakikinabangan ng mga Pilipino. Si Velasco, na nakatanggap ng 65,726 boto ayon sa resulta…
Read MoreELECTION LEADER NG NANALONG MAYOR, ITINUMBA
CAVITE – Patay ang isang election leader ng nanalong mayor ng Naic makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong ‘di pa nakikilalang mga suspek habang pababa sa kanyang sasakyan sa nasabing bayan noong Sabado ng hapon. Isinugod sa San Lorenzo Hospital ang biktimang si Shackie Denajiba y Lauriano, 40-anyos, ng Brgy. Sabang Naic, Cavite at sa naging election leaders ng nanalong Naic mayor na si Rommel Magbitang, subalit idineklarang dead on arrival. Tinutugis naman ang mga suspek na nakasuot ng blue jacket, gray shirt, maong pants at puting cap Ayon sa ulat,…
Read MorePULIS PARAÑAQUE, BAYANI SA GITNA NG PANGANIB
BINIGYANG-PUGAY ni PNP Chief Police General Rommel Francisco D. Marbil, si Police Staff Sergeant Carlo Sotelo Navarro, 45-anyos, nakatalaga sa BF Homes Police Substation (SS-5). Bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa tapat at matapang na serbisyo sa sambayanang Pilipino, ipinamalas ni Sgt. Navarro ang kanyang wagas na katapangan habang tumutugon sa isang tawag noong Mayo 23, 2025. Sa ulat, dakong alas-10:45 ng umaga ay rumesponde sina PSSg. Navarro at PSSg. Maret, kasama ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) dahil sa panggugulo…
Read More2 PAF PERSONNEL NA NAGREKLAMO NG RAPE DAPAT ALAMIN KUNG FIT SA FLYING MISSION
ITO ang isa sa mga concern ng abogado ng dalawang Philippine Air Force personnel na umano’y naging biktima ng rape at attempted rape ng isang PAF Major General. Ayon kay Atty. Nico Robert Martin, abogado ng dalawang junior officers ng Air Force na nakararanas ng severe trauma at depression, lumapit at humingi ng tulong ang mga ito sa mga abogado na nasa ilalim ng Unified Legal Aid Service (ULAS) ng Supreme Court. “My clients were diagnosed with stress disorder and depression. After the incident, they were seen by a psychiatrist.…
Read MoreBOMB EXPERT NAGBALIK-LOOB SA PAMAHALAAN
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Tuluyan nang isinuko ng isang kilalang bomb expert mula sa hanay ng lokal na grupong terorista, ang kanyang sarili sa pamahalaan sa pamamagitan ng 1st Brigade Combat Team (1BCT) nitong nakalipas na linggo sa bayan ng Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte. Ayon kay Brigadier General Jose Vladimir Cagara, commander ng 1BCT, hindi muna ibinunyag ang pagkakakilanlan ng nasabing indibidwal para sa kanyang seguridad. Ang 35-anyos na dating rebelde ay boluntaryong sumuko bunsod ng matinding takot sa kanyang kaligtasan dulot ng sunod-sunod…
Read MoreMINDANAO SOLON PUMALAG SA TRAVEL ADVISORY NG AMERIKA
PINALAGAN ng isang Mindanao solon ang travel advisory ng Estados Unidos (US) na nagbabala sa mga Amerikanong may planong bumiyahe sa Pilipinas, partikular na sa Mindanao, dahil sa panganib na kakaharapin umano ng mga ito. Hindi matanggap ni Cagayan de Oro City representative Rufus Rodriguez ang travel advisory na ito ng Amerika na itinuturing ng Pilipinas na mahigpit na kaalyado kaya inatasan nito ang Department of Foreign Affairs (DFA) na iprotesta ito. “This is an unfair, shotgun warning. There are certainly many places in our country that are safe to…
Read MoreLAPID NANUMPA SA KAPATID NA PUNONG BARANGAY
OPISYAL nang nanumpa si re-elected Senator Lito Lapid sa kanyang bagong mandato sa Senado sa isang simpleng seremonya sa Porac, Pampanga nitong Sabado. Kasama ang kanyang pamilya, nanumpa si Sen. Lapid sa harap ng kapatid na si Kapitan Arturo M. Lapid, Punong Barangay ng Poblacion, Porac, Pampanga. Ito na ang ika-apat na termino ni Lapid sa Senado sa pag-upo niya sa 20th Congress. Nagpasalamat si Lapid sa mahigit 13 milyong botanteng nagtiwala at nagbigay sa kanya ng bagong mandato. Nangako si Lapid na isusulong ang mga panukalang batas na makatutulong…
Read More17 SUGATAN SA ROAD ACCIDENT SA LA UNION
UMABOT sa 17 katao ang sugatan sa pagbaligtad ng isang passenger jeep, kabilang ang driver nito, sa Brgy. Nagyubuyuban, San Fernando City, La Union noong Sabado ng gabi. Sa ibinahaging ulat ng San Fernando City Police Station, sangkot sa aksidente ang isang Isuzu jeepney na minamaneho ng 45-anyos na driver na naninirahan sa Cardiz, Bagulin, La Union, na kabilang sa sugatan. Walo sa mga sugatan ay mga menor-de-edad na ang mga edad ay 10, 9, 11, 15, 12, 8, 14, at 1 taong gulang habang ang iba pang sugatan ay…
Read More