INGAY NG ‘DAYAAN’ SA HALALAN AYAW HUMUPA

HINDI humuhupa ang ingay laban sa umano’y nangyaring dayaan sa katatapos na midterm election na tahasang panloloko sa mamamayang Pilipino at pangungutya sa demokrasya. Bagama’t nanalo ng isang upuan sa Kamara, hindi matanggap ni ACT Teacher party-list Rep. France Castro ang aniya’y sistematikong dayaan at manipulasyon sa nakaraang eleksyon lalo na’t naitsapuwera aniya ang mga tunay na dehadong marginalized sector. “What we witnessed in the recent elections was a mockery of democracy. The party-list system, originally designed to give voice to the marginalized, has been thoroughly corrupted by political dynasties…

Read More

HALOS P10-T PROPOSED BUDGET PARA SA 2026

HALOS umabot na sa P10 Trilyon ang panukalang badyet na isinumite ng mga ahensya ng pamahalaan para sa state expenditure plan para sa taong 2026. Inaasahan din na lolobo ito hanggang sa P11 trillion —halos P2 trillion na higit sa P9 trillion na isinumite na national budget ngayong taon. Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang budget submissions ng mga ahensya ng pamahalaan ay nananatiling “almost P10 [trillion] to date.” Gayunman, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Goddess Libiran na base sa Budget Preparation and Execution…

Read More

PSA: HIGIT 5M JUNIOR HIGH GRADS KAPOS SA COMPREHENSION SKILLS

MAY 5.58 milyong high school graduates ang kinokonsidera bilang “functionally illiterate” o mayroong problema sa ‘komprehensyon at pang-unawa’. Ito ang nilinaw ni Philippine Statistics Authority (PSA) assistant national statistician Adrian Cerezo sa House committee briefing sa kabila ng mga ulat na ang bilang ng junior high school graduates na tinawag na “functional illiterate” o iyong mayroong problema sa komprehensyon at pang-unawa ay umabot na di umano sa 18.9 milyon. “We’d like to point out that the difference of 18.965 million between the old and new definition…does not represent only those…

Read More

DOJ: ROQUE ‘DI PWEDENG ARESTUHIN SA NETHERLANDS

NILINAW ngayon ng Department of Justice (DoJ) na hindi maaaring arestuhin ng interpol si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque na ngayon ay nananatili sa The Netherlands. Magugunitang si Roque ay tumakbo sa nasabing bansa makaraan siyang isyuhan ng warrant of arrest ng Angeles, Pampanga Regional Trial Court, branch 118 kaugnay sa human trafficking dahil sa operasyon ng POGO o scam hub sa Porac, Pampanga. Ipinaliwanag ni DoJ Chief State Counsel, Dennis Arvin Chan na hindi maaaring arestuhin duon si Atty. Roque dahil may nakabinbin itong Petition for Asylum. Dito…

Read More

MOBILE ENERGY SYSTEM IBINIGAY NG U.S. SA PALAWAN

MISMONG si United States Ambassador MaryKay Carlson ang nanguna sa isinagawang turnover ng tatlong U.S.-government donated mobile energy systems (MES) na nagkakaloob ng ligtas, maaasahan at sustainable electricity para sa mga liblib na lugar sa Palawan. Kasama ni Ambassador Carlson sa ginanap na turnover ceremony sa National Power Corporation (NPC) Irawan Switching Station sa Puerto Princesa City, sina Philippine Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla, NPC President Fernando Roxas, U.S. Agency for International Development (USAID) Philippines Mission Director Ryan Washburn, at DOE Undersecretary Giovani Carlo Bacordo. “The MES are…

Read More

4 HVIs NASILO SA RIZAL

RIZAL – Apat katao na itinuturing na high value individuals (HVIs) ang nadakip ng mga tauhan ng Rodriguez Municipal Police Station sa isinagawang buy-bust operation dakong alas-4:20 ng madaling araw nitong Mayo 20, 2025 sa Barangay San Rafael, sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan. Ayon sa ulat na natanggap ni PCol. Felipe Maraggun, director ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), ang nasabing operasyon ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. Kinilala ni Maraggun ang mga suspek na sina alyas…

Read More

ANAK NG TANOD NABARIL NG KAPITAN NA HUMINGI NG RESPONDE

QUEZON – Patay ang isang 34-anyos na lalaki matapos mabaril ng mismong kapitan na kanilang nirespondehan noong Lunes ng gabi sa Brgy. Gibanga, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan. Kinilala ang biktimang si Albert Malarasta, residente ng nasabing barangay, idineklarang wala nang buhay nang idating sa Ace Medical Center sa Sariaya, dahil sa dalawang tama ng bala sa dibdib. Ayon sa imbestigasyon ng Sariaya Police, dakong alas-11:55 ng gabi noong Lunes, nagresponde ang biktima kasama ang kanyang amang si Elpidio Malarasta, isang tanod, at si Andeson Mabuhay, chief tanod, sa…

Read More

P5.32-B DROGA WINASAK NG PDEA

WINASAK sa pamamagitan ng pagsunog ang tinatayang P5.32 bilyong halaga ng iba’t ibang uri ng ilegal na droga, kabilang ang shabu at marijuana, sa isang seremonya na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martires City nitong Martes, Mayo 20. Pinangunahan ni Dangerous Drugs Board (DDB) chairman, Secretary Oscar Valenzuela ang seremonya na sinaksihan ng mga opisyal mula sa PNP, DOJ, DILG, NGOs, at media. Sinira ang kabuuang 2,227.75 kilo ng solid illegal drugs at 3,447 milliliters ng liquid na…

Read More

MAYOR-ELECT ISKO, NANUMPA NA BILANG BAGONG ALKALDE NG LUNGSOD NG MAYNILA

HUMARAP sa Korte Suprema si Manila Mayor-elect Francisco “Isko Moreno” Domagoso para manumpa sa kanyang gagampanang tungkulin bilang bagong halal na lider ng lungsod bago ang kanyang ‘transition’ sa Hunyo 30. Ayon sa Transition Team ni Domagoso, nanumpa ito kay Supreme Court Associate Justice Antonio Kho Jr. nitong Mayo 19, 2025, ng alas-2:00 ng hapon sa Supreme Court En Banc Session Hall sa Ermita, Manila. Kumpleto ang pamilya ng nagbabalik na alkalde ng Maynila sa pangunguna ng maybahay na si Dynee; mga anak na sina Patrick, Frances, at Franco gayundin…

Read More