KINUMPISKA ng mga ahente ng Bureau of Customs ang 21 forty foot container van na naglalaman ng frozen mackerel na tinatayang P178.5 million ang halaga, sa Manila International Container Port (MICP). Ayon sa BOC Intelligence Group, ang nasabing kargamento ng frozen hasa-hasa o alumahan ay nagmula pa sa China. Sinasabing walang kaukulang dokumento ang kargamento base na rin sa imbestigasyon ni Customs Deputy Comm. Juvymax Uy. Ayon kay Uy, wala ring Sanitary and Phytosanitary Import Clearance mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang kargamento. Agad nagpalabas ng…
Read MoreREP. TULFO AT ACT-CIS NAG-DONATE SA ANGAT BUHAY NI DATING VP ROBREDO NG KAHON-KAHONG GAMOT PARA SA LEPTOSPIROSIS
AABOT sa 50 boxes o 5,000 kapsula ng Doxycycline na gamot sa leptospirosis ang ipinamahagi kahapon (Oct. 30) ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at ACT-CIS party-list sa Angat Buhay Foundation ni dating Vice Pres. Leni Robredo. Ang naturang gamot ay para maipakalat sa mga biktima ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Sa pahayag, sinabi ni Tulfo na karamihan sa natatanggap nilang tawag ay ang problema sa leptospirosis dahil nakababad ang mga residente sa baha particular sa Bicol region. “Karamihan po nang tumatawag sa atin at nagre-report sa social…
Read MorePUBLIC CEMETERY SORPRESANG ININSPEKSYON NI MAYOR EMI
ININSPEKSYON ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang Sarhento Mariano Cemetery nitong Miyerkoles, Oktubre 30, upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at mapayapang pagdiriwang ng All Souls Day at All Saints Day sa Nobyembre 1 at 2. Susuriin ni Mayor Emi ang posibleng sagabal o ilegal na istruktura sa loob ng sementeryo upang matiyak ang ligtas at maayos na paggunita para sa lahat ng mga bisita. Nakikipagpulong din siya sa mga tauhan ng sementeryo at mga lokal na awtoridad upang pag-usapan ang mga hakbang sa seguridad at tiyakin ang maayos…
Read MorePAGLILITIS KAY DU30, ET AL IPAUUBAYA NA SA ICC
WALANG plano ang mga abogado ng mga biktima ng extra-judicial killings na kasuhan sa local court si dating pangulong Rodrigo Duterte dahil mas malaki umano ang pag-asang malitis at masentensyahan sa International Criminal Court (ICC). Ito ang binanggit ni dating Bayan Muna party-list representative Neri Colmenares na naniniwalang lalong lumakas ang Crime Against Humanity laban kay Duterte dahil sa pag-ako nito ng responsibilidad sa madugong war on drug at pagkakaroon ng sariling Death Squad sa Senate Blue Ribbon committee. “Kay Duterte ICC na yan. Nandyan na ang ICC malapit nang…
Read MoreMAS MARAMING KRIMEN NOONG PANAHON NI DU30
TINAWAG ng mga kongresista sa Kamara na isang uri ng pambubudol ang ipinangalandakan ni dating pangulong Rodrigo Duterte na mas maraming krimen ngayon kumpara noong siya ang pangulo ng bansa. “Nabudol na naman tayo. Malinaw na mas mababa ang krimen ngayon kumpara noong panahon ng dating administrasyon,” ani House committee on public order and safety chair Dan Fernandez. Base aniya sa datos ng Philippine National Police (PNP), ang crime index mula July 1, 2022 hanggang July 28, 2024 ay bumaba sa 83, 059 mula sa 217, 830 sa unang dalawang…
Read MoreTanong ng Novo Ecijanos: PAMILYA NI GOB. UMALI LABAN-LABAN O SABWATAN?
(JOEL O. AMONGO) KONTROBERSYAL ngayon ang pulitika sa lalawigan ng Nueva Ecija matapos mabunyag ang umano’y mala-‘circus’ na political strategy ng pamilya ni Governor Aurelio “Oyie” Umali kung saan pinatakbo ang dalawa nitong dalagang anak para may humalili sa kanya sakaling i-disqualify siya ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman. Ayon sa grupong Novo Ecijano – Bantay Boto Movement (NE-BBM), isang civic group at election watchdog, hindi katanggap-tanggap para sa mamamayan ng Nueva Ecija ang naging hakbang at intensyon ng mag-asawang Gob. Oyie…
Read MoreMGA RESIDENTE SA 2 BARANGAY SA AGONCILLO, BATANGAS INILIKAS
UMABOT sa 2,000 residente ng dalawang barangay ang inilikas sa Agoncillo, Batangas bunsod ng posibleng panganib ng landslide at pagbaha sa nakaambang pananalasa ng Bagyong Leon. Kabilang sa na-isolate na mga barangay ang Bilibinwang at Banyaga. Plano naman ng PNP at ng 51st Engineering Brigade ng Army na maglagay ng armored vehicle launched bridge para makapasok ang mga kagamitan at mga magdadala ng relief goods sa na-isolate na mga lugar dahil sa pagkaputol ng kalsada at mga tulay sa Agoncillo – Laurel road. (NILOU DEL CARMEN) 171
Read MoreBANGKAY NG 1 SA 3 MISSING SA AGONCILLO, BATANGAS NAREKOBER NA
NATAGPUAN na ang bangkay ng isa sa tatlong nawawala sa Agoncillo, Batangas, dahil sa Bagyong Kristine. Ayon sa Agoncillo Police, ang labi ni Victoria De Sagun Punzalan, 45, taga Brgy. Banyaga, Agoncillo, ay nahukay noong Martes ng tanghali. Inilibing kaagad ito dahil nasa stage of decomposition na. Sa tala ng Agoncillo MDRRMO, 12 na ang kumpirmadong nasawi na may kaugnayan sa pananalasa ng bagyo sa nasabing bayan habang dalawa pa ang patuloy na hinahanap ng retrieval teams. (NILOU DEL CARMEN) 141
Read More20 LANDSLIDE VICTIMS SA TALISAY, BATANGAS INILIBING NA
TAHIMIK na inilibing nitong Miyerkoles ng kanilang mga kaanak ang 20 biktima ng landslide sa Talisay, Batangas. Dakong alas-10 ng umaga nagsimula ang mahabang prusisyon ng mga kapamilya, kaanak, kabarangay at kaibigan ng 20 biktima ng malagim na landslide sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas, para ihatid ang mga ito sa kanilang huling hantungan. Inihimlay ang mga ito sa Talisay Public Cemetery. Halos kalahati sa 20 nasawi sa landslide sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Kristine noong Huwebes ng nakaraang Linggo, ay mga menor de edad at bata. (NILOU DEL CARMEN)…
Read More