TAHIMIK na inilibing nitong Miyerkoles ng kanilang mga kaanak ang 20 biktima ng landslide sa Talisay, Batangas.
Dakong alas-10 ng umaga nagsimula ang mahabang prusisyon ng mga kapamilya, kaanak, kabarangay at kaibigan ng 20 biktima ng malagim na landslide sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas, para ihatid ang mga ito sa kanilang huling hantungan.
Inihimlay ang mga ito sa Talisay Public Cemetery.
Halos kalahati sa 20 nasawi sa landslide sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Kristine noong Huwebes ng nakaraang Linggo, ay mga menor de edad at bata. (NILOU DEL CARMEN)
86